"Sa gitna?"
Ahhh
The one with dim lights on their front yard? I had a modern design. A combination of black, wood, and white. It looks sophisticated on the outside. May mga glass window that goes from the third floor down to the ground floor. May pathway rin mula sa frontyard papunta sa main door na gawa sa, I think agarwood.
The most expensive wood in the world.
I smirked at that sight. A villa without guards. Kahit pa nasa liblib na lugar iyon, if it contains such expensive materials and things, wouldn't the owner want it to be protected?
Isa pa, bakit frontyard lang ang may ilaw. Mukhang walang tao sa loob. Maski maids na pwedeng utusan sa paglilinis ay wala rin.
I spent my time looking at the villa for a couple of minutes. It's my second night wandering around here. Kanina lang nakumpirma ni Damon kung alin sa mga Villa na iyon ang sa mga Baccay.
Hindi iyon nakarehistro sa mga ari-arian nila. Meaning, ligtas sila sa pagbabayad ng tax noon. It's named after an unknown man.
Great work doing the dirty job.
Napatingin ako sa bulsa ko nang biglang magring ang cellphone ko. I suddenly felt a bang inside my chest. Bigla akong kinabahan.
Nanay is calling...
Nakabalik na siya?
I was about to answer the call when a text message came in. I ended up missing the call, but it's not what stunned me.
Tan:
Two bodies were found.
Kikilos na sana ako dahil sa balitang iyon nang may maalala ako.
I'm no longer needed there...
In the end, tinext ko na lang siya na balitaan na lang ako. Kung pupunta ako doon ay hindi rin ako makakakuha ng impormasyon lalo na't nandoon sina Ryker na paniguradong mainit ang ulo ngayon
I smirked. Gustong gusto na nilang isarado ang kaso pero hindi nila magawa. If bodies keep getting discovered, hindi nila magagawa ang gusto nila. If they keep on insisting to close it, they'll get suspected by people, bagay na hindi gugustuhin ng mga boss nila.
Aalis na sana ako sa tapat ng villa nang makakita ako ng paparating na sasakyan. Buti na lang ay mapuno ang paligid noon kaya madali akong nakapagtago sa likod ng isang malaking puno.
From a distance ay makikitang pula ang sasakyan na dumating. At syempre, ang nagmamay-ari ng sasakyan.
Alejandro...
Bumaba iyon ng sasakyan mag-isa. Hindi niya sinara ang gate at halata ring galit ito dahil sa pasalampak niyang pagsasara ng pinto ng sportscar niya.
Dahil nga malaki ang bintana ng kanilang Villa ay kitang kita ko kung paano siya nagwala sa loob nito. Ang lahat ng makita nito ay pinagbabato nito at maging ang malaking tv sa living room nila ay nabasag at natumba.
It's probably because of the news.
Kita kong may tinawagan siya saka biglang nawala. Nang makabalik sa salas ay may dala dala na itong alak na nakalagay sa isang babasaging lalagyan.
Did you have something to do with it?
His actions right now are too obvious. Right after the news, he went here to cool off his head. What was he mad about if it's not about the bodies? This means he and his family are really connected to this unending case.
"Oo nga pala..."
Bigla kong naalala ang ledger na kasama sa mga ibinigay sa akin ni Larah. Hindi ko pa nga pala iyon nababasa nang buo. Kung mababasa ko lahat iyon, posibleng hindi lang ang kaso noon ang mabigyan ng linaw kundi pati na rin ang nangyayari ngayon.
YOU ARE READING
Linked
Mystery / ThrillerA crime scene without a body, a hopeless case that turned Luke Ezekiel Morris' interest. How will he face these cases when it is linked to his hidden dark past? Will he run like a coward, or will he put an end with it? No matter what, no matter how...
