Warning: R18 terms and scenes ahead!
"Hindi daw matrack yung number," sabi ko kay Larah pagkatapos kong makausap si Damon.
Yun agad ang bungad ko sa kaniya pagkapasok ko ng sasakyan.
Joe just died. Kahit pa ang pinagbibintangan sa pagkamatay nito ay ang kalaban umano nilang gang, sigurado akong may kinalaman ang pagsunod niya kay Alejandro dahil na rin nga sa pagbabanta na natanggap ko. The fact that he was following them before he died is something that's fishy for me.
Nandito lang kami sa labas ng istasyon. Kagagaling lang rin namin sa loob. Buti na lang at kasama ako ni Larah kundi hindi siya mapapapasok dahil nga reporter siya.
Nakita ang bangkay niya sa damuhan sa labas mismo ng istasyon. Sinadyang ipakita sa mga pulis. Wala ring plaka ang itim na van na nagtapon sa katawan niya doon. At kahit na ayokong ipakita na may koneksyon ako sa kaniya, hindi pa rin makakaila na nagkaroon pa rin kami ng magandang samahan at natulungan niya ako nang malaki bilang informant ko.
Now is not the time to mourn dramatically. If I want to erase the guilt that I'm feeling, I have to get the people who made him like that pay for what they did. Only then will threats stop.
"Ano nang plano mo?" tanong ni Larah. "The last information he gave me was that nagpunta sina Alejandro sa bar."
Bar?
Una kong nameet si Kia ay sa bar din at yun yung gabi bago siya mawala. And as far as I know, nagpunta rin ang dalawa nitong kaibigan after niyang mawala.
"If we can't use the police," I started. "We will have to manipulate the media."
The media has greater power. It can reach people from a wider range. Hindi lang sa lugar na to mananatili ang impormasyon kundi pati sa iba pang lugar.
"We still don't have enough evidence, kaya baka sa ledger muna tayo magsimula," iniabot ko sa kaniya iyon. "Then we'll release the footage na kasama nila si Reyn to release doubt."
Tumango siya sa sinabi ko.
I will leave that mission to her dahil mas alam naman niya kung paano maglaro kapag media na ang pinag-uusapan. In the meantime, mag iimbestiga ako sa bar at sa villa. If I can get into just one part of their lives, maybe I can finally connect the dots.
Nagpunta ako sa parehong bar na pinuntahan ko nang makita ko si Kia sa parehong oras din. Palihim akong nagmamatyag sa mga taong pumapasok at lumalabas habang nakaupo sa stool sa may counter.
Nang lumalim na ang gabi ay nainip na ako kaya naisipan kong lumabas muna saglit nang bigla akong mapatigil. I had to squint my eyes para masigurado kung tama ang nakikita ko.
I saw the same body guards na nakaaway ko noong gabing mawala si Kia. They were with Alejandro na nakatayo at tila may tinitingnan sa lupon ng mga taong sumasayaw.
Sinundan ko ang tingin niya pero bigo pa rin akong matukoy kung sino ang tinitingnan nito. I have to observe their moves first bago ako umaksyon.
Tuluyan nang lumabas ng lugar si Alejandro kaya akala ko ay matatapos na ako sa pagmamatyag pero nagkamali ako. Bumalik yung mga body guard niy sa loob kaya napaupo ulit ako sa stool para mag blend at hindi magstand out sa mga tao dito.
Kaunting oras pa ay nakita ko na silang may hinihilang babae palabas ng bar. People were looking at them pero dahil lasing ang babae at sinasabi nilang kasama sila nito ay hindi rin sila pinansin ng mga ito. Pinalipas ko lang ang ilang segundo bago sumunod sa kanila para hindi makahalata.
Is she their new victim?
Nagtago ako sa dingding na katapat ang lugar kung saan nakaparada ang pulang sportscar ni Alejandro. Pilit nilang isinakay ang babaeng hila hila nila sa loob ng kotse saka isinara ang pinto noon. Dun ko lang din napansin na nakapula rin ang babae gaya ng suot ni Kia nung huli ko siyang makita.
YOU ARE READING
Linked
Mystery / ThrillerA crime scene without a body, a hopeless case that turned Luke Ezekiel Morris' interest. How will he face these cases when it is linked to his hidden dark past? Will he run like a coward, or will he put an end with it? No matter what, no matter how...
