"Bakit hindi mo sinabi sakin?!" sigaw ko kay Tan matapos malaman na ililipat na siya sa team nina Ryker.
Nandito kami sa salas ng bahay kaya ayos lang na ganito kami kalakas mag-usap. Wala rin sina Nanay dahil lumuwas ito habang si Colin ay nasa field trip.
Kapag nalaman ni Nanay na tinutuloy ko to...
Kahapon lang ay inaawat niya ako tapos ngayon malalaman ko na nakatakda na pala siyang ilipat sa team na kumuha ng kaso namin?!
"Kumalma ka, Morris," anito na ikinatawa ko naman.
"Kalma? Paano ako kakalma kung ang kanang kamay ko ay mapupunta na sa iba?!"
Oo, pinaghihinalaan ko siya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya pwedeng mapunta kina Ryker! Hindi ko mababantayan ang mga kilos niya! Isa pa, kung tama man ang hinala ko na may kinalaman siya sa mga nangyayaring krimen dito sa lugar namin ay maaring makitulong pa ito sa pagtatakip noon.
Mas magiging malaki ang pwersa nila at lalo siyang mabibigyan ng dahilan para kitain ang kabilang partido.
"Think of it this way, Morris. Kapag napunta ako sa panig nila, pwede akong makapagbigay sa'yo ng mga impormasyon!" pagpapaliwanag niya pa. "Kahit na hindi ka na kasali sa pag iimbestiga, pwede kang magsolo! Kaya mo nga kinuha yang bagong kaso diba?"
Bumuntong hininga ako at ininom ang tubig na nasa baso ko. Wala akong mai- rebutt dahil kung tutuusin ay tama siya.
"Parehas lang tayo ng kalaban."
His words caught me. Parehas?
"Parehas?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Agad siyang napatingin sa akin sa tanong ko saka umiwas ulit.
"Parehas kasi..." naghahanap ng palusot "Pinaghihinalaan mo sila sa serial killings na kaso na namin ngayon pati na rin sa kaso ng hit-and-run na hawak mo ngayon."
Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan. Ngunit masyadong malaki ang mawawala sa akin kung hahayaan kong sina Ryker lang ang humawak noon. Isa pa, nakapagdesisyon na si Chief.
"Talagang kinuha niya ang galamay ko para pahirapan ako," bulong ko.
"Ha?" akala siguro'y siya ang kausap ko
"Wala!"
Tumayo ako saka siya hinila patayo at itinulak palabas ng bahay.
"Galit ka pa ba?" parang batang tanong niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"Lumayas ka na!" sagot ko sa kaniya. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ko tatraydurin, Tan."
Huwag mong hayaang humantong tayo sa puntong hindi na kita kayang ipagtanggol kahit sa sarili ko, Tan.
He's someone I treasure so much and it pains me that I'm having doubts in trusting him.
But, he's a friend.
Pinanood ko siyang tumalikod at maglakad papunta sa sasakyan niya.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang may sinasabi ang puso ko? Masamang pakiramdam.
KAMU SEDANG MEMBACA
Linked
Misteri / ThrillerA crime scene without a body, a hopeless case that turned Luke Ezekiel Morris' interest. How will he face these cases when it is linked to his hidden dark past? Will he run like a coward, or will he put an end with it? No matter what, no matter how...
