NICO: Meron ako, bakit?
JOANNA: Pahiram naman, may ite-text lang ako.
Kinuha ni Nico ang cellphone nya at iniabot kay Joanna.
JOANNA: Salamat!
Inatupag na nilang muli ang kanilang mga ginagawa. Gamit ni Joanna ang cellphone nya at ang cellphone ni Nico.
ALFIE: Joanna, ano palang ginagawa mo dito? Di ka naman gumagawa ng assignment, bat di ka sumama kina Randy?
JOANNA: Bakit, bawal ba sumama sa inyo?
ALFIE: Hindi naman, nagtataka lang ako.
Ilang saglit pa ay tinawag ni Joanna si Nico.
JOANNA: Nico, may nagtext.
NICO: Sino?
Tanong nya habang abala sa paggawa ng assignment.
JOANNA: Hindi ko alam, number lang e.
Nagulat na lamang si Joanna ng biglang hinablot ni Nico ang cellphone.
JOANNA: Grabe naman 'to makahablot. Snatcher lang?
Pabirong sabi ni Joanna sa kanya, ngunit nakatuon ang mga mata ni Nico sa mensaheng pumasok sa cellphone nya. Kinutoban na rin si Alfie ng makita nya ang reaksyon ni Nico habang pagtataka naman ang nasa mukha ni Joanna.
Ilang saglit pa ay iniabot ulit ni Nico ang cellphone nya kay Joanna na may bakas pa rin ng pagkagulat sa mukha nito.
NICO: Wag mong bubuksan yung message kapag nagtext ulit yung number na yun.
Payo nya kay Joanna na ikinatakot na nito.
JOANNA: B-bakit?? Sino ba yun?
Tumingin muna si Nico kay Alfie para magpaalam na magsisinungaling na naman sya.
NICO: Aaa.. Wala, p-pinsan ko lang yan. Kaya wag mo na lang pansinin.. kapag nagtext ulit.
JOANNA: Pinsan mo? Bakit di naka-save sa phonebook mo?
NICO: A.. Ano kasi.. Ayoko nang i-save yung number nya, mahilig kasing man-trip yang pinsan ko. Gumagamit ng maraming number para mantrip lang, ayoko ng i-save yung number kasi napupuno na yung phonebook ko kaka-save ng number nya.. S-sige na, gamitin mo na.
Paliwanag nya, samantala, may napansin si Joanna habang sanasabi ni Nico ang mga dahilan nya. Kanyang napansin na parang hindi totoo at nagsisinungaling lang si Nico.
Nagpatuloy muli sila sa kanilang mga ginagawa. Hindi pa lumalagpas ang isang minuto ay muli na namang nangulit si Joanna.
JOANNA: Nico, ang daming text ng pinsan mo oh, sunod-sunod. Hindi ko matapos tapos yung tinetext ko e.
ALFIE: Ano ba kasi yang tinetext mo? Nobela?!
NICO: Hayaan mo lang.
Sagot sa kanya ni Nico. Sa sinabi ni Nico ay walang nagawa si Joanna kundi ang sumunod. Maya-maya pa ay nagring na ang phone niya.
JOANNA: Oh, ayan na! Tumatawag na siya. Sabihin mo nga muna mamaya na sya mantrip.
Bigkas nito habang iniaabot ang phone kay Nico. Nagkatinginang muli si Alfie at Nico. Nagdadalawang isip na kinuha ni Nico ang phone sa kamay nya. Inakala ni Joanna na sasagutin nya ito sa halip ang ginawa ni Nico ay ni-reject niya ang call.
JOANNA: Oh! Bakit mo pinatay? War ba kayo ng pinsan mo?
NICO: Hindi, b-busy lang ako ngayon. Wala akong oras sa panti-trip nya ngayon.
Ibinalik muli ni Nico ang phone kay Joanna.
NICO: Bilisan mo kasi mag-text.
JOANNA: Binibilisan ko na nga eh, epal lang talaga pinsan mo e. Istorbo!
Sinimulan ni Joanna ang pagtitext, nakakalimang letra pa lang sya ay muli na naman itong tumawag.
JOANNA: Arrrrgghh! Buwisit!
Sa sobrang inis ay sya na ang sumagot ng tawag. Nagulat na lamang ang dalawa sa kanyang ginawa.
JOANNA: Hello! Pwede po mamaya ka na tumawag? Istorbo ka po e.
Sarkastikong bigkas ni Joanna sa phone. Nakatulala lamang ang dalawa, hindi alam ang gagawin sapagkat maaaring malaman ni Joanna ang nililihim ni Nico mula pa nung pasukan. Maya-maya pa ay napangiti na lamang si Joanna na ipinagtaka ng dalawa.
ALFIE: Bakit Joanna?
JOANNA: Ang lakas din pala talagang mantrip ng pinsan mo nuh! Tignan mo, hindi sumasagot pero naririnig ko syang humihinga.
Natutuwang bigkas ni Joanna. Nagkatinginan na lamang ang dalawa.
JOANNA: Sorry po, busy kami wala kaming time sa mga trip mo!
Mataray na bigkas ni Joanna at saka pinindot ang end call. Nakahinga ng malalim ang dalawa.
JOANNA: Oh, anyare sa inyo? Bakit nakatulala kayo?
ALFIE: Ah, wala. Na-nagulat lang kami sa ginawa mo.
JOANNA: Ito kasing pinsan ni Nico e, ang kulit. Yan tuloy, nakarinig tuloy sya ng maganda kong boses.
Pabirong bigkas ni Joanna. Pinilit ng dalawa na matawa ngunit nanatiling pa rin ang pagkagulat na naramdaman nila kanina. Ipinagpatuloy ni Joanna ang pagti-text. Ilang saglit pa ay muling na naman silang nakatanggap ng mensahe sa parehong numero, ngunit sa pagkakataong ito ay sa cellphone na ni Joanna pumasok ang text message.
JULY 16, 2013.
TUESDAY 02:18PM
Nakasandal sa isang puno si Hiko at abalang-abala sa paggamit ng kanyang cellphone, wala masyadong tao sa paligid at napapangiti pa ito sa sarili dahil sa kanyang mga pinaggagawa. Hindi nya namalayan na nasa likuran niya si Julian at kanina pa sya hinahanap.
JULIAN: Huy! Anong ginagawa mo dyan? Parang ang saya mo dyan a.
Dahil sa gulat ay agad na tinago ni Hiko ang phone nya.
HIKO: Ah, wala.. may.. may tinetext lang.
JULIAN: Kanina pa kita hinahanap e.
HIKO: Umm.. Bakit?
JULIAN: Kanina ko pa kasi hinahanap sila Joanna e, naalala ko nasa kanya pala yung isa kong copy hand-outs. Alam mo ba kung nasan sila?
HIKO: Si Joanna? Oo, nasa work park sya kasama si Nico at Alfie.
JULIAN: Ah, ganun ba. Samahan mo naman ako oh, punatahan natin sila.
HIKO: Aa.. Ok, sige.
Nagsama ang dalawa upang magtungo sa work park. Habang si Joanna ay takang taka naman sa nareceive nyang text message mula sa taong sinasabi ni Nico na pinsan niya.
ΦΦΦ END OF PART XIX ΦΦΦ
*** Hello guys!! Sorry ngayon lang ulit naka-update.. Pero this time.. Ipa-publish ko na lahat ng nakabinbin na chapters sa file ko. So completed na ang book na to.. Hahaha.. Kaya please enjoy and still continue to read and vote.. Haha!!
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XIX
Start from the beginning
