Dice Game - PART XIX

Start from the beginning
                                        

JOANNA: Oo nga, umaamin ka kaagad e.

Pabirong bigkas ni Joanna kay Alfie. Natawa na lamang sila sa pang-iinsulto rito.

MARICAR: Grabe kayo, ang sama nyo kay Alfie.

Sambit ni Maricar para ipagtanggol si Alfie, ngunit kahit sya mismo ay hindi rin mapigilan ang pagtawa. Tawa ng tawa ang lahat hanggang sa humupa ito. Binago naman ni Nico ang usapan.

NICO: Marco, di ba sabi mo tapos ka na sa assignment sa Math?

MARCO: Oo.

NICO: Pahiram ako, kokopyahin ko lang. Tinatamad kasi ako mag-isip ngayon e.

LUISA: Bakit? Bukas pa naman ang Math natin e.

JUSTIN: Oo nga, wala naman tayong Math ngayon a.

NICO: Eee.. Gusto ko lang gawin para wala nang intindihin bukas.

JESSICA: Wow! Anong nakain mo ngayon kuya? Bakit parang sinisipag ka ngayon?

NICO: Sinisipag? E tinatamad nga akong mag-isip, kaya nga mangongopya lang ako, di ba!

Sarkastikong bigkas nito, dahilan upang mabara si Jessica sa mga sinabi niya.

NICO: Basta Marco, pahiram ako mamaya a.

MARCO: A.. O-ok!

ALFIE: Ako din, pakopya din Marco.

Pahabol ni Alfie.

Samantala, sa mesa nina Randy. Seryoso ang lahat na kumakain kaya't naisipan ni Julian na magbukas ng topic sa kanilang mesa.

JULIAN: Guys, nakapunta na ba kayo sa Gawad Site?

Napatitig ang lahat sa kanya. Ang Gawad Site ay isang liblib na lugar na puro damo at punong-puno ng matataas na talahib. Katabi lamang ito ng kanilang university. Ang Gawad Site ay isang napakalaking bakanteng lote, dati itong subdivision na inabando na dahil hindi naituloy at naitapos ang konstruksyon, wala ring gaanong naitayong mga bahay at puro kalsada lamang ang nagawa. Nagmukha tuloy itong parang isang ghost town. Marami na rin ang kwentong pumapalibot sa Gawad Site, na ito raw ay tapunan ng bangkay ng mga sinalvage at mga ni-rape. Kaya't walang naglalakas loob na pumasok sa bakanteng lote na ito. Ngunit dahil sa tanong ni Julian, nagkaroon ng ideya ang mga ito na maglakbay ang mga ito sa Gawad Site.

RANDY: Bakit?

JULIAN: Tara, mag-adventure tayo dun.

KYLA: Ayoko!

Malakas na sigaw ni Kyla dahilan para mapalingon ang lahat sa kanya. Nagulat din sya sa kanyang naging reaksyon.

KYLA: A.. S-sorry, a..ayoko lang talagang pumunta dun.

Nakita naman nina Jerry ang takot sa mga mata nito at naintindihan nila kung bakit ganun na lamang ang kanyang reaksyon habang sina Karlene, Franklin at Killian ay takang-taka sa reaksyon niya. Marahil nagkaroon na sya ng takot sa lugar na walang katao-tao katulad ng nangyari sa kanila sa Baguio. Dahil dito ay itinigil na ni Julian ang usapan at binago na lamang ito.

JULY 16, 2013.
TUESDAY 02:08PM

Magkakasama sina Joanna, Nico at Alfie sa Work Park at dala nila ang assignment ni Marco sa Math. Abalang-abala ang dalawa sa pangongopya ay abala din si Joanna sa pagkalikot ng cellphone nya. Maya-maya pa ay inistorbo nya ang dalawa sa paggawa.

JOANNA: Hoy, sinong may load sa inyo?

Lumingon ang dalawa sa kanya.

ALFIE: Ako wala.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now