Chapter 1

49.2K 1K 175
                                    

Chapter 1

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin ng tinahak ko papalabas ang pintuan ng apartment na tinutuluyan ko. Maulap ang kalangitan dahil kakatapos lang tumila ang ulan.

Ibinaba ko ang tingin ko sa suot kong damit ngayon. "Hay," tanging usal ko sa sarili. Nakasuot kasi ako ng isang uniporme sa isang sikat na paaralan dito sa Maynila, ang Mintaña-Arellano Univesity. Laking probinsya ako at nagkataon na ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka nang kinuha ko ang scholarship exam sa paaralang ito.

Itinuloy ko ang paglalakad ko, hindi parin ako sanay sa lugar na ito. Medyo matatagalan pa siguro ang paga-adjust ko.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating ako sa Mintaña.

Inilugay ko ang buhok ko na may kakulutan at inayos ang bag ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakapasok na ako sa malaking gate ng Mintaña.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ako naglakad at pumasok ng gate.

Sumalubong sa akin ang isang malaking fountain. Sobrang namangha ako sa nakikita ko ngayon. "Hello, Good morning." Napukhaw ang atensyon ko ng makarinig ako ng isang malalim boses sa gilid ko. Isang matangkad na lalaki ang sumalubong sa akin at naka suot ito ng Black Tuxedo.

"I'm Lester, Mintaña's assistant Principal." Agad naman akong napatuwid at nag bow ng kaonti.

"A-ako po si Victoria McCurly." Wika ko habang nakatingin sa paanan ko.

"I know, dear." Tumingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya nagsalita.

"So, Welcome to Mitaña. Halika at ihahatid kita sa una mong klase." Aniya at nagsimula na siyang lumakad kaya walang akong ibang choice kundi ang sundan siya. Sobrang lawak ng paaralang ito at paniguradong mawawala ako kapag hindi ko siya sinundan.

Sa sobrang pagkamangha ko sa imprastraktura ng paaralang ito ay hindi ko napansin na nandito na pala ako sa harap ng classroom. Iginala ko ang aking paningin at nakita ang 4-1 sa itaas ng pintuan.

"Dito ka muna sa labas at ako muna ang papasok. Pag tinawag kita ay tsaka ka lang papasok. Ok?" Tumango ako sa kanya at umatras ng konti.

"Good Morning! Assistant Principal!" Narinig kong bati ng mga tao sa loob kaya muli nanaman akong kinabahan.
"Good morning, kamusta ang klase?"

"Okay naman po," narinig kong sagot nila.

"Before anything else, may bago kayong transferee." Sa pag kasabi ng assistant principal ay naghiyawan ang mga tao sa loob. Kailangan ba talagang sumigaw?

"Sir, chix ba?"

"Sir? Lalaki po ba? Gwapo ba?"

Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko.

"Let's see. Pwede ka nang pumasok." Bumuntong hiningi ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Kahit mas triple pa ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon kesa sa kanina ay kailangan ko itong baliwalain. Nang maka pasok ako sa loob ay nag hiyawan ang mga lalaki at nagtaasan naman ang kilay ng ilan sa mga babae.

"Oh, hija. Mag pakilala ka na."

Tinignan ko ang lalaking nasa tabi ni Sir Lester,siya siguro ang aming guro, tumango sya akin. Humarap ako sa mga kaklase ko at nag pakilala.

"Good morning. I am Victoria McCurly. Nice to meet you." Sabi ko at bahagyang yumuko.

"V-victoria?" Tanong ng isang babaeng may pula ang buhok na naka upo malapit sa bintana.

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now