PART XXXIV

204 7 0
                                    

Shakira POV

(Warning: Matured Content🔞)

Iniwan ko muna saglit sila Javier at Kyle habang naliligo sa dagat. Nagpaalam ako kay  Javier na maglalakad - lakad lamang ako. Basta huwag lang ako lalayo. Gusto ko muna maglibot - libot at pangmasdan ang paligid. Dahil aalis na kami maya - maya lang. Kahit medyo masakit pa ang namamagitan sa aking hita dahil sa nangyare kagabi. Sa tuwing naiisip ko ang nangyare kagabi bigla na lamang ako napapangiti. We share our love each other.

Nakasummer dress lamang ako ngayon ang aking isinuot na nababagay lamang sa pinuntahan namin. Nililipad ngayon ang aking mahabang buhok dahil sa lakas nang ihip ng hangin. Mangongolekta kase ako ng shells. Napansin ko kase nung una nagpunta kami dito maraming iba't ibang hugis ng shell. Nagagandahan kase ako sa mga hugis neto.

Naglakad - lakad lamang ako habang naghahanap ng iba't ibang shell. Ang iba kase nakikita ko katulad nang nakukuha ko. Ayaw ko naman nang may katulad.

Ang sarap sa pakiramdam lalo pa ang ihip nang hangin na nakapagrelax ito. Kay gandang pangmasdan ang kalangitan lalo pa palubog na Ang araw. This is my favorite spot kung saan napapanuod ko ang pagbaba ng araw. Sunrise is my favorite scene when I was child. Palagi ko inaabangan ang paglubog nito. Nakakatuwa lang dahil naalala ko pa ito ngayon. Tumatakas kase ako sa mga magulang ko para lang makita ang papalubog na araw.

Madami - dami na rin ang aking nakuhang shell.

Hindi ko namalayan napalayo na ang aking nilakad.

Arghh! Ang layo na pala nang nilakad ko. Di ko na nga matanaw sila Javier. Damn that! Busy kase ako sa pagkuha at paghanap ng shell. Hindi naman ako nito maliligaw dahil dire - diretso lang naman ang nilakad ko. Kailangan ko na makabalik bago pa dumilim. Tama na siguro itong mga nakuha ko. Lalo pa kunti na lang magdidilim di ko kase namalayan na malayo na pala ang aking nilakad. Baka hinahanap na ako nang dalawa.

Maglalakad na sana ako pabalik. Subalit, may narinig akong kaluskos sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Tiningnan ko saan galing ang tunog na yun. May napansin ako isang anino na nagtatago sa isang malaking puno. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o totoo itong nakikita ko.

Nakaramdam ako ng kaba bigla dahil ang alam ko kami lang ang narito. Paano nagkaroon nang ibang tao lalo pa mahigpit na pinagbabawal ni Javier na may pumunta dito na ibang tao. Nakapagtataka lamang kung may tao nakapasok sa pagaari ni Javier. Dahil sa nagtataka ako kung ano ang nakita nilapitan ko ito dahan - dahan. I'm just curious kung totoo ba ang nakikita ko.

Naglalakad ako ngayon kung saan ko narinig ang kaluskos. Pakiramdam ko kase parang may sumusunod sa akin. Dahan - dahan ako naglalakad palapit doon. Medyo kinakabahan ko baka kase tama ang aking iniisip.

Madilim sa parteng iyon kaya di ko makita kung may tao ba. Lalo pa medyo dumidilim na. Nagulat ako dahil may narinig pa ako sa ibang gawi na parang may gumalaw. Natakot ako bigla baka multo lamang ang aking nakita. Lalo pa dumidilim na. Nakaramdam na ako nang takot lalo pa nagiisa lamang ako. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba lapitan ang malaking puno.

" Shakira"

" Shakira"

" Shakira"

" Where are you, wife"

Nakarinig ako na tinatawag ako na mas lalo akong nagulat dahil doon.

" Shakira"

" Shakira"

Habang palapit ang sigaw naging familiar ito sa akin. Ang sigaw na iyon ay galing kay Javier. Nakahinga ako ng maluwag dahil narito na siya.

Tiningnan ko ulit ang puno kung saan may nakita akong anino. Nagulat na lamang ako na wala nang anino na naroon. Siguro namalikmata lamang talaga ako.

A STRANGER BOUGHT ME! Où les histoires vivent. Découvrez maintenant