PART IV

385 4 0
                                    

Claire POV

Nang makatapos kami kumain. Inaantay ko na lang na magopen up siya ng sasabihin. Nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag pag nakaharap ako sa kanya. Nauna ako sa kanya matapos kumain subalit siya ay mabagal lamang sumubo ng pagkain.

Napakahinhin naman neto gumalaw, parang babae. Kung hindi lang lalaki eto manamit huhusgahan ko na ito na bakla. Saka kung bakla naman ito ehh Ang laki ng katawan halatang batak na batak sa gym. Pinagmasdan ko lang ang panlabas niyang anyo. Kahit hindi pa siya nakapagbihis ng maayos halatang my dating talaga.

" What are you looking at"

Nagulat ako dito ng nasa harapan ko na ito at nakatingin sa mga mata ko. Hala! Ehh nakaupo pa lamang ito kanina doon ahh. Pano ba nangyare Yun ng hindi ko namamalayan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo ako bigla. Hindi ko kaya tagalan ang tingin sa kanyang mga mata.

" Uhmm, ano kaseee" yumuko na lamang ako at di ko alam sasabihin ko sa kanya. Baka magalit ito kapag sinabi ko na tinitingnan ko ang panlabas na anyo niya at hinuhusgahan ko. Lalo pa mukhang yelo pa naman ito.

" What, can you spill it. What it's in your mind" malamig na sambit neto sa akin.

" Wala talaga promise hehehe" humarap ako dito at ngumiti.

" Nga pala sir Javier, ano ba po talaga kelangan nyo sa akin" iniba ko na lang ang usapan ng sa ganun di niya Ako kulitin kung ano ito.

" I said,we talk it later." maikling sagot neto sakin at tumalikod na.

Hinabol ko ito at sumabay sa paglalakad na ang bilis nang mga hakbang.

" Sir Javier"

" Don't call me sir and also don't say " po".I'm not too old, young lady"

" Fine, then don't call me young lady. Call me, Claire" sabay irap ko dito. Nakakainis na ito ahh ang suplado talaga kinakausap na nga siya. Pasalamat siya may nagtitiyaga kausapin siya.

" Okay, Claire. May kailangan ka ba" taas ng kilay neto sa akin.

" Ano kase " di ko na alam kung ano sasabihin ko.

" What? If you have no anything to tell. Just , let go of my way" galit na sabi neto sa akin.

Bwesit na lalaki na ito. Ngumuso na lang ako sa harapan niya at umiwas. Nakaharang pala ako sa dadaanan niya .

" If you have anything, just tell it too Manang " 

Tssk, I hate you Javier. Nakakainis talaga siya. Lahat na lang kinukuntra. Hinanap ko na lamang si Manang Faye tiyak ito makakasagot sa mga katanungan niya. Nasan na nga ba si Manang?

Pumunta ako sa kusina tanging mga kasambahay lang ang naroon gumagawa ng gawaing bahay. Pumunta naman ako sa sala pero wala doon.

Lalabas kaya ako baka andun siya. Lumabas ako ng mansyon at pumunta isang hardin. Ang laki pala ng lugar na ito. Pati ang garden dito napakalawak may mga halaman na iba' t ibang uri. Mahilig ako sa mga bulaklak kaya lumapit ako sa mga halaman. Habang napapadaan ako, inaamoy - amoy ko ang bawat bulaklak ang sarap sa pakiramdam. Biglang nakalimutan ko ang mga gumugulo sa aking isip.

Nakita ko si Manang na nagdidilig ng halaman. Lalapitan ko na sana ito nang makarinig ako ng busina ng kotse.

Sino naman kaya ang nariyan sa kotse. Magulang ba ni Javier o kaibigan lang? May bisita siya.

Huminto ang kotse sa harapan ko. Nakapagtataka lang kung bakit? Ehh andun ba sa unahan Yung parking ehh. Bumaba ang nakasakay sa kotse. Lalaki pala ito. Katulad ni Javier ang lakas din ng dating neto. Kasing - angas din sasakyan niya. Tumingin ito sa gawe ko at ngumiti.

A STRANGER BOUGHT ME! Where stories live. Discover now