PART VI

355 5 0
                                    

Claire POV

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa pagiyak. Ano oras na ba natitiyak ko na hapon na ito. Nasasaktan ako dahil akala ko tunay ko silang magulang yun pala ampon lang ako. Kung ampon ako sino ba ang tunay kung magulang. Sigurado ako na buhay pa ito. Sa kisame lang ako tumingin na parang may mga kasagutan sa mga tanong ko. Pero kahit na isa, wala man lang sagot sa pagiisip ko.

Pinilit ko magisip ng magisip sa mga nakaraan ko pero sumasakit lng ang ulo ko. Bakit ganun? Dapat may maalala ako kahit kaunti sa aking pagkadalaga. May mga pangyayari nasa isip ko nung mga bata pa ako pero mga malabo. Isa lang talaga di maalis sa aking isipan. Ang palagi ko napapanaginipan, di ko masabi kung bakit yun palagi ang napapanagipan ko. Isang kwarto na madilim at nakatali ang paa at kamay ko. Yung lalaki ko sa panaginip, masama siya at natatakot ako dito.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Javier. Hindi ba ito marunong kumatok lamang.

" Kanina pa ako kumakatok, Kaya pumasok na Ako"

Umupo ako sa kama at tiningnan lamang siya.

" You did not eat your lunch"

May pagkain pala sa tabi ng aking ama, nakalagay sa mesa. Di ko napansin ito at kakagising ko lang naman. Ramdam ko na mahapdi ang aking mata at sigurado ako namamaga ito ngayon.

" Kakagising ko pa lang kase" hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. Nararamdaman ko na ligtas ako sa mga bisig niya.

" Do you want to see your parents" tama ba Ang narinig ko papayagan niya ako makita ang magulang ko. Bigla gumaan ang pakiramdam ko, lalo pa makakausap ko na si mom at dad.

" Yeah, gusto ko sila makausap" tipid na sagot ko dito.

" We gonna go in your house. But, before that eat and fix yourself"

Tumango ako dito at doon ko na ginawa na tumingin sa kanya. Nakatingin din pala ito sa akin. Wala ako mabasa at makita lamang expression sa kanyang mukha.

"Thank you, Sir Javier" masayang sambit ko sa kanya.

" Don't call me, Sir? Just Javier"

" Okay, Javier. Papauwiin muna ba ako sa bahay namin" tanong ko dito.

" No, we will visit your parents. You will stay here in my house. Take it on your mind that I buy you"

Oo nga pala binili niya ako at kasabay nun ang pagligtas niya sa akin doon. Hindi ko alam, kung bakit nawalan ako ng gana bigla akala ko lang kase ihahatid na niya ako.

"But Javier..." di ko pa natatapos sabihin ang sasabihin ko pinigilan na niya ako.

" No more but's"

" After fixing yourself, go to the front of this room. We will talk about why are you stay in my house"

Tumalikod na ito at lumabas ng kwarto. Ibang klase talaga itong lalaki na ito. Lakas din ng tama bwesit talaga siya. Di ba siya naaawa sa akin sa mga nararamdaman ko ngayon. Akala ko iuuwe na niya ako pero hindi pa pala.

Wala ako nagawa kundi kumain dahil naramdaman ko na din na nagugutom ako. Pagkatapos ko kumain , naligo at nagayos na ako ng sarili ko.

Pagbukas ko ng closet na tinuro sa akin ni Javier. Halatang mga mamahalin ang damit na ito, halos puno ng mga gamit ng pangbabae. Lahat nakaorganize simula sa mga dress, sandals, bag at kung ano - ano pang gamit naroon. Siguro sa asawa niya ito. Nasan na ba ang asawa ni Javier, pansin ko lang na wala ito sa mansyon niya.

Nagbihis na ako at sinuot ko lang naman ay isang floral dress na hanggang tuhod. Sa aking paa naman ay flat sandals lang di ako sanay magsuot ng matataas na takong.

A STRANGER BOUGHT ME! Where stories live. Discover now