PART XIII

267 4 0
                                    

Claire POV

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Iniisip ko pa rin kung handa na ba ako harapin ang lahat ng bagay na pwde ko malaman.

Iniisip ko pa rin yung naalala ko kagabi sa aking panaginip. Natatakot at nasasaktan ako subra. Hindi biro si Xyron kaya niyang pumatay ng tao para makuha siya neto. Nagaala pa rin ako baka bumalik siya at gawen niya ulit yung pagkidnap niya sa akin.

Ngayon ko naintindihan na ang lahat kung bakit inako ako ng pamilyang Limico. Itinago nila ako at itinakas sa pamilya ko para mailigtas ang buhay ko. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil naging magulang ko sila sa kunting panahon. Kahit hindi ko pa naalala ang parte ng katauhan ko. Nagagalak ako dahil naalala ko na ang nangyare sa akin.

Pero isa pa ang nais ko maalala ang aking asawa. Di ko alam kung ano itsura niya at gustong - gusto ko na siya makita. Hindi ko alam bat ako nakaramdam ng pagkamiss sa kanya kahit hindi ko pa siya naalala kung sino talaga siya. I hope sana maalala ko na ito.

Naalala ko ang nangyare kagabi nakatulog ako sa bisig ni Javier. Pagnasa tabi ko siya feeling ko safe na safe ako. Walang mangyayare sa akin na masama. Lalo akong nacurious sa inaakto neto kahapon sa akin naging mabait siya sa akin pero halata naman nang una pa lang mabait na ito. Pero yung pagaalala niya sa akin at pagalaga niya sa akin kagabi. Nakapagtataka, may nararamdaman ako na parang nagkakilala na kami noon.

Hindi ko inaalis sa aking isip na binili niya ako at may contract ako na penermahan na marriage contract sa kanya. Nadismaya man ako dahil doon pero sana matulungan siya ni Javier na mahanap ang magulang niya at asawa niya.

Inalis ko muna sa aking isipan ang napakasakit na pangyayare na naalala niya kagabi. Kelangan ko muna pagtuunan ng pansin ang aking sarili baka sa sunod na araw ehh may maalala na ako.

Maraming salamat talaga sayo, Javier! Isa ka malaking tulong kung bakit nalaman ko ang katotohanan balang araw masusuklian ko din ito. Kailangan ko ng maging mabait sa kanya para matulungan niya ako mahanap ang aking magulang.

Tumayo na ako at inayos ang aking higaan. May ngiti sa aking labi ng papunta ako sa banyo para magayos ng sarili at maligo.

Napansin ko ang malaking larawan na nakadikit sa dingding. Ito yung larawan na nakita ko noong una. Inilibot ko ang paningin sa kwarto na agad napansin ko ang mga larawan na nakadikit pa sa ibang parte ng kwarto. Inilibot ko ang aking tingin hanggang sa mapako ang aking mata sa isang maliit na picture frame. Lumapit ako dito at tiningnan ko.

Nagulat ako dahil kamukha ko yung nasa larawan. Kumuha ako ng salamin at tiningnan ang aking sarili. Ikinumpara ko ang mukha ko sa larawan na hawak ko. Hindi talaga ito isang imahinasyon kundi totoo ako yung nasa larawan. Hindi ito maari. Nilibot ko pa ang paningin sa silid na ito. Maraming larawan ng babae na kamukha ko. Hindi ito isang coincidence lang. Hawig na hawig ko talaga.

Tiningnan ko pa ang mga larawan, may mga larawan na kasama doon si Javier. Hanggang sa may nakita akong larawan na nakaupo sa bench si Javier at ang kamukha kung babae.

Hanggang sa may bigla akong naalala sa aking isipan.

" Wife, gusto mo ba kumuha ng picture dito sa may bench. Napakaganda ng spot dito" masayang sambit ni Javier.

" Oo naman hubby, ang ganda ng lugar dito. Napakatahimik at may magandang tanawin. Tingnan mo maraming puno at halaman. Saka malapit sa dagat. Napakasarap pa ng simoy ng hangin"

" Wife, kaya nga dinala kita dito ehh because you love nature since we were met. Nakikita mo ba niyang lahat, binili ko na ito at dito ko balak magtayo ng bahay para sa ating dalawa."

A STRANGER BOUGHT ME! Where stories live. Discover now