PART XXIX

195 2 0
                                    

Shakira POV

Sumapit ang gabi at naghahanda na ako para sa isang party na sinasabi ni Javier. Natapos na ako naligo at nakaroba lang ako ngayon. Napansin ko na may kumakatok sa pinto nang aming kwarto ni Javier. Kakalabas pa lang ni Javier dahil bibihisan niya si Kyle. Dahil iyon ang gusto nang bata.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang bakla. Medyo nagulat din ako dahil kung ano kailangan nila.

" Good evening ma'am" bati sa akin nang dalawa sabay ngiti neto sa akin.

" Nandito po kami para ayusan ka dahil sabi nang iyong asawa. He hired us to make over you" sabay giggle neto.

" Owws, come in"

Pinapasok ko sila sa kwarto at medyo kinakabahan din ako. Then, naiilang. Napansin ata nila siguro na medyo naiilang ako kaya ngumiti na lang sila sa akin.

" Sorry ma'am, if you feel awkward. Hwag ka sa amin mahiya, we also woman. Girl!" sabay tawa neto.

" Truee, halatang - halata sis. Hwag ka mahiya sa amin. Lalo pa aayusan ka namin. "

Bigla na lang ako natawa dahil sa mga sinasabi nila. Lalo pa medyo jologs din sila kausap.

" I'm sorry, it's my first time na may magaayos sa akin na katulad nyo" sabay ngiti ko dito.

" No problem ma'am, halika ka na po dito at maayosan na namin ang magandang asawa ni young master"

" I'm not beautiful" pagtanggi ko.

" You look so beautiful ma'am. Even, wala pa kayong  makeup"

" Binubola nyo ata ako"

" Hindi ma'am, it's trueness" sabi nang isang bakla.

" Pwde bang malaman kung ano pangalan nyo" tanong ko sa kanila.

" I'm a Yuri"

" I'm Gab"

" And we are sister" sabay halakhak nila.

Natawa din ako dahil sa reaksyon nila. Nageenjoy ako makipagusap sa kanila.

" Ayusan ko na po kayo, ma'am. Baka magalit pa sa amin si Young master. Kung bakit ang tagal namin ayusan ka" saad ni Yuri. Siya pala ang magmake up sa akin. Then, si Gab ang aayos nang buhok ko at nang susuotin ko.

Umupo na ako at humarap na sa salamin. Sinimulan na ako ayusan ni Yuri.

Lumipas ang isang oras mahigit naayusan na ako nang dalawa. Natapos na ayusin ang buhok ko at mukha ko. Magsusuot na lang ako nang gown na pinili ko kanina.

" Ma'am, open your eyes now po"

Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko. Maraming nagbago at di ko makilala ang aking sarili dahil mas lalo pa ako gumanda.

" You look  so beautiful ma'am. Kaya mahal na mahal kayo nang asawa nyo po"

Ngumiti ako sa kanila.

" Thank you Yuri and Gab to make me more beautiful"

Niyakap ko silang dalawa.

" Ma'am kunin lang po namin ang gown mo po then Yung sandals mo po"

Tumango ako sa kanila at di ko pa rin maalis sa salamin ang aking tingin. Di ako makapaniwala sa aking nakikita. Ako ba ito? Ang galing nilang magayos? Subra akong napahanga sa kanila.

"Ma'am eto na po, magbihis na po kayo"

Ibinigay nila sa akin at agad ako pumasok sa banyo para isuot ito. Nang matapos ko ito maisuot mas lalo pa ako namangha dahil bagay na bagay lang sa akin. Lalo pa ang heels na aking suot.

A STRANGER BOUGHT ME! Where stories live. Discover now