CHAPTER 48

71 3 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 48: Friends

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

"Nasan ka?"

Binuhay ko ang makina ng motor ko. It's late at night, I can barely see the street. Tago ang condo ko kaya't sa gabi ay ganito kadilim ang daan. Magmamaneho ka pa ng kalahating oras bago marating ang maliwanag na bahagi ng lugar, yung may mga city lights. Putchang Nathaniel kasi 'to lakas ng amats. Bakit ako ang tinawagan niya? Sarap bigwasan ng kingina.

"I don't know where I am, Cj. I just... I think it's near Fraud University."

Napabuntong-hinga ako. "Wait for me there."

Normal ng mabilis ang takbo ng motor ko ngunit ngayon ay lalo ko pang binilisan para sa lalaking 'yon. Mula nang una ko siyang makitang umiyak, napansin kong nawawala lahat ng talino niya kapag nasosobrahan sa emosyon. Hindi siya nakakapag-isip ng tama at nawawala sa huwisyo. Iyong tipong sobrang talino sa paaralan pero bobo sa sariling nararamdaman tapos nandadamay pa? 'Yan ang naobserbahan ko.

Napailing ko. Anong oras na ba? Parang kalahating gabi na ah? E pano sobrang dilim na tapos kakarampu't pa ang ilaw na nagmumula sa buwan. Iilang kalye na rin ang nadaanan ko sa pag-asang makikita si Nathan pero lumampas na 'ko sa Fraud University at lahat-lahat, hindi ko parin siya nakikita.

Saan ba nagsuot ang lalaking 'yon? Bakit pakiramdam ko ay mali ang binigay niyang location? 'Yong boses niya kanina parang gulong-gulo sa sarili e. Tila wala sa matinong pag-iisip. Nakakabahala. I can't even bring myself to ignore him and it's all because I heard him cry. Kahit medyo antok ay pinagpatuloy ko ang paghahanap.

Hindi naman ako nabigo dahil kalaunan, nakita ko ang parehong kotseng ginagamit niya na naka-park sa madilim na bahagi ng lugar. Pinili kong iparada ang motor ko sa posisyong may kalayuan sakanya upang malaya siyang mapagmasdan.

Kagaya ng nauna ko siyang makitang umiiyak sa ilalim ng ulan, nakaupo siya sa lupa at nakasandal sa kotse niya. May hawak-hawak siyang alak at mukhang lasing. Anong nangyari dito? Parang kanina lang nakikisaya pa siya tas ngayon, nagpapakawasak siya? I can't believe him. Was he hiding his pain the whole time?

Nagsimula akong maglakad patungo sa kanya. Napansin niya akong papalit ngunit ang paningin niya ay nanatili sa baba. Naroon lang sa kamay niyang may hawak na alak. What a sorry state. He didn't even bother to put something underneath his butt para hindi siya madumihan.

"Why did you call me?" I asked when I finally landed in front of him.

He slowly looked up to me and smiled like an idiot. "I don't know. Why did I call you?"

Anak ng--pigilan niyo 'ko, bibigwasan ko 'to. Napapabuntong-hininga akong naupo sa tabi niya tsaka siya pinagkatitigan. Nagtutubig ang mga mata niya kahit blangko ang mukha niya. He must really be hurting, huh? Malapit na nga yata siyang mamanhid sa sakit na nararamdaman.

Hindi ko na napigilang itanong sakanya ang gusto ko. I'm just wondering. "Wala ka naman sigurong balak sirain ang buhay mo 'no?"

Uminom muna siya sa boteng hawak tsaka sumagot. "Ano sa tingin mo?"

Sa tingin ko, oo. Wasak na wasak ka eh. Nagpa-practice ka bang magpakamatay? Hanep. Di na kailangang pag-practisan 'yan woy! Diretso na.

Inagaw ko ang bote sa kamay niya at nilagay sa gilid ko. "Tama na 'yan. Baka hindi ka makauwi."

"Di yan. Sanay naman na ako."

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now