CHAPTER 45

54 4 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 45: Feeling his pain

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Iniinda ko pa rin ang sugat ko at alam kong habang naglalakad ako'y nag-iiwan ako ng dugo sa daan pero wala akong pakialam. For some reason, the guy sitting at the ground looking at me right now is pulling me towards him. Nakaupo siya sa lupa habang nakasandal sa kotse niya't naliligo sa ulan.

Why is he here? And what's wrong with him? May kotse naman siya, diba? Ba't siya lumabas para magpakabasa sa ulan?

I don't know if he recognizes me kasi nakatulala lang siya sa gawi ko pero alam niyo kung ano ang nakapagpapukaw ng atensyon ko? Ang mga mata niya.

Kahit may kalayuan ang kinalalagyan ko sa pwesto niya ay kitang-kita ko parin ang mga mata niya. Walang sing tamlay ang mga 'yon at tila nawalan na ng buhay. He's definitely not okay and my conscience won't let me leave after seeing him in this miserable situation. Although right now, I'm miserable too.

Nag-flashback na naman sa utak ko ang nangyari kanina. Sakit ng sampal gagi, gusto ko sanang gumanti pero syempre hindi ko ginawa. Kahit papano nama'y may natitira pang katinuan sa utak ko tsk. Seriously... I've had a terrible day. Before coming here, kinailangan ko pang tanggalin hair extensions ko.

Oo, naka hair extension ako kanina because I was meeting my dad. Hindi niya pwedeng malaman kung anong itsura ko nang naka boy cut dahil paniguradong madali niyang mamumukhaan ang likod ko. Maganda kasi ang memorya ng ulol na 'yon e, mabuti na nga lang at namana ko.

Napasadahan ko na naman ng tingin ang tuhod ko. Nakakaramdam ako ng hapdi tapos nalaman kong dito pala galing lahat ng dugong umaagos. Ikakamatay ko ba 'to? Hindi siguro. Malayo naman sa bituka to e. Pero sigurado ba akong lalapit ako sakanya ng nakaganito? I mean--I'm covered in blood. Baka isipin niyang pumatay ako ng tao.

Kahit na medyo nagdadalawang-isip pa ako'y mas pinili ko pa ring lapitan siya. Nasa dugo ko kasi ang pagiging bobo kaya ganyan. Nang maging ilang hakbang nalang ang pagitan namin, dun ko lang malinaw na nakita ang buong mukha niya. Agaran kong napansin ang pagpatak ng isang luha sa mga mata niya at dahil dun ay nanigas ako. T-totoo ba 'to? Umuulan kaya hindi ko masyadong nakikita ang luha niya sa malayo pero getting here up close, he's really crying.

Broo what should I do? Isn't it right to just walk away ang let him be? Wala akong alam sa pinagdaraanan niya and my presence might just make him feel worse, considering the fact that we're enemies.

Kahit ganon ang iniisip ko, iba parin ang naging galaw ko. I did the opposite dahil sa halip na maglakad palayo ay mas lalo pang bumilis ang paglalakad ko patungo sakanya. Hindi ba't ang mas nararapat kong gawin ngayon ay ang magtungo sa isang hospital at magpagamot? Hello? Kakagaling ko lang sa isang disgrasya.

I looked up to the sky to feel the rain. It's not getting any heavier, isn't it? Dahil mapapahamak talaga ako kapag naubusan ako ng dugo dito. Ba't ba kasi pa feeling superhero ako? Kaya nagkakanda letche letche 'tong buhay ko e. Lahat nalang pinapakialaman ko.

"Hey..." I whispered as soon as I landed in front of him.

Parang ngayon niya lang napansin ang presensiya ko, ganon yata talaga kalalim ang iniisip niya na kahit paligid niya, hindi niya na namamalayan. He looked up to me and I met his eyes. Punong-puno ng kalungkutan na kahit ako'y ramdam ang emosyong kumakawala. He didn't say anything but the way he looked at me, looked like he was asking for help.

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now