CHAPTER 14

53 10 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 14: Atticus Murray

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Nakaupo ako sa harap ng principal ngayon, tinatanong kung posible bang matransfer ako sa ibang section. This is my nth time asking him and also the last time because I already lost count of how many times I've asked him about the same thing over. Sa tingin ko ay ready naman na siyang pagbigyan ako sa pagkakataong 'to.

Ilang beses ko nang ipinilit sakanya 'to kaya nararapat lang talaga na pagbigyan niya ako.

Sa tingin ko kasi ay mas mabuting sa ibang section ako mapunta para iwas attention at hindi ko makabangga si Kalix. Bukod kasi sa pinsan siya ng gagong 'yon ay sobrang hindi ako kumportable sa presensya niya.

"I need to review your records before that and it may take a long time, are you willing to wait?" He said after looking through my documents. Napaisip ako sandali. Hindi ko naman yata kailangan ang resulta agad, pwede pang hintayin. Yeah, it should be fine.

"Yes Mr. Princip--"

"Oh com'on call me Mr. Cruz."

"O-okay, Mr. Cruz."

After exchanging words with the principal, I bid my goodbyes and left. Tapos na ang lunch break namin so I need to return.

Pagbukas ko palang sa pintuan ng office ni Mr. Cruz, sinalubong agad ako ng kinseng demonyong nakangisi at kakikitaan ng sobra-sobrang tuwa.

"Wow, you finally did something right." Kumplimento ni Zed sakin. Sinulyapan ko lang siya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko kasi tatantanan na nila ako kaso ang mga lintek, sumunod.

"What made you change your mind, Cj?" A guy from the back asked, probably Austin. Habang tumatagal, namememorise ko na mga boses nila.

Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi obligasyong sagutin ang mga katanungan nila.

"Oo nga Cj. From what I know, you love our section too much that you can't let it go." -Tristan.

Ano ako si Elsa? Let it go ka d'yan.

"Maybe the incident yesterday made him change his mind." -Dwayne

Yes. Because I saw Kalix.

"Well, what do we expect. A coward will always be a coward. Speaking of yesterday, all of you were on the ground. So uncool." -Nathan

"That doesn't include me dumbass." -Raven

Maka 'dumbass' naman 'to, parang hindi rin tarantado.

"Masyadong energetic 'yong mga gagong 'yon e, sarap itulak mula sa tuktok ng building." -Stell

Edi gawin mo.

"Tama ka, masyado silang excited. Mukhang ilang araw ng hindi naka-experience ng bakbakan." -Killian

Nagpatuloy ang usapan nila na para bang wala ako sa harap nila. Takteng 'yan, bat sa likod ko sila nag-uusap? Sabi nang ayoko ng atensyon e. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dahil sa sobrang dami namin, baka akalain pa nilang okay kaming lahat, tsk.

Binilisan ko ang lakad ko na halos magmukha akong hinahabol. Para akong timang pero bahala na. Masyado rin naman silang busy sa pag-uusap nila kaya hindi na nila ako pinansin.

Pero sadyang maswerte nga yata ako ngayong araw na 'to dahil may nakabunggo ako sa daan.

"Aww."

The Only Rose Among The ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon