CHAPTER 31

50 10 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 31: Ang babae, bow.

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Kaharap namin ang dad ni Denver na nakaupo sa single sofa habang kaming apat ay nakatayo, tanging lamesa lamang ang pagitan namin mula sa kanya ngunit sobrang lapit. Ramdam niya kayang nagangalay na ang binti ko kakatayo? Sa sobrang seryoso ng pagkakatitig niya samin, pwede ko ng isiping pinaglalamayan niya na ako sa isip niya.

"Crush, t-takas nalang tayo oh?" Bigla akong siniko ni Hiro, wala naman akong ibang nagawa kundi ang sumulyap sakanya.

Impossible ang pagtakas sa kalagayan namin ngayon, kaharap namin ang tatay ni Denver.

Tinignan ko si Denver saglit at binalik na naman 'yon sa tatay niya. Magkamukhang-magkamukha sila, pareho silang gwapo. Kahit na halatang may edad na ang tatay niya ay lumilitaw parin ang kagandang lalaki. May pinagmanahan din talaga si Denver.

After being silent for a while, his father finally decided to talk. Even the way he talks is scary. "Have a sit." He ordered in which we followed out of fear. "...who's this guy? New friend?"

Nagkatinginan kaming apat bago ilang na nagsiiwas ng paningin. I'm not a guy pero mas mabuti yata kung isipin niyang lalaki ako. That way, he wouldn't recognize me, and even if he did, he'd be confused because Carson's kid was a girl. Right. It would be best t---

"She's a girl dad, dressed like a man."

WHAT THE F*CK IS WRONG WITH YOU DENVER?!

Nasampal ko ang noo ko at nanghihinang napaupo sa sofa, sumunod naman sila. That feeling when you had everything planned out in your head and a single motherf*cker ruins it unintentionally, I kinda want to choke him dead. Hindi niya man lang ba naisip na may malaking dahilan kung bakit ako nagpapanggap bilang isang lalaki? There's a massive reason you dumbass!

Pinagmasdan ko ang pagbabago sa mukha ni Mr. Castro at nang makitang nakangisi siya sakin ay lalo lang akong nanghina. Gusto kong tumalon nalang basta sa balcony. That smirk contained everything I had to now.

*Deep breath*

Alam niya kung sino ako, nakikilala niya ako, namumukhaan niya ako.

"The three of you, leave us." Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo upang lumabas ngunit sinuway ako ng tatay ni Denver. "...not you. Stay."

Nagmukha pa akong aso. Bumalik ako sa pagkakaupo at pinanood ang tatlo kong kasamang tumayo upang lumabas. Hindi nakatakas sa paningin ko ang simpleng pagdila nila sakin upang mang-asar. Matalisod sana kayo!

Nang tuluyan silang maglaho ay tsaka ko lamang binalik ang paningin ko kay Mr. Castro. Nakakapagtakang nakilala niya agad ako matapos marinig na babae ako. Anong ginawa ni Carson sa mga business partners niya? Wag niyang sabihing pati dun ay pinagkalat niyang lumayas ako? Tarantado siya kung ganon.

"So... Cassidy..." Tinawag niya ang pangalan ko, alam niya ang pangalan ko. Kilalang-kilala niya nga ako. Pinakita ko sakanyang handa ako sa kung ano mang paparating kaya tinuloy niya ang gustong sabihin "...Are you friends with my kid?"

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Yes sir."

Napatango-tango siya. "Well that's new. I never heard my son having some girl friends. Most of them are guys, troublesome guys."

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now