CHAPTER 30

66 11 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 30: Exam day

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

I'm feeling nervous, uneasy, doubtful and really scared right now. Exam, it starts today. Hindi naman sana ako nababahala sa mga ganito noon pero dahil sa section F, para bang ayoko ng mapahiya. Tuwing papalapit na ang exam noon, hindi ako nag-aaral at naglalaro lang, minsan lumalabas pa ako ng bahay para maghanap ng away. Ngayon parang takot na akong bumagsak kagaya ng takot na naramdaman ko noong miyembro pa ako ng isang gang. Kinakabahan ako sa mga gang fight noon at takot na takot akong matalo dahil hindi ako marunong tumanggap pero sa ngayon, iba na ang nagpapanerbyos sakin, ang bumagsak na sa exam. Para bang nag-ibang tao ako, malayong-malayo sa kinasanayan ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng school gate, napuno agad ng bulungan ang paligid. It's not about me, it's about the womanizers. They're all over the school. Pictures of them wearing a two-piece suit circulated around the school at a massive speed, leading to this overnight. Both of them must be feeling really awful right now.

"Cj!! Did you see that picture of Zed?!" Sumulpot nalang bigla si Sky sa tabi ko at iyon ang binungad. Hindi ko lang basta nakita ang picture Sky, nasaksihan mismo ng mga mata ko. "...oh my god. Ano kayang nangyari sakanya?! Nalasing kaya? Natalo sa truth or dare? Alam ko kasing hindi niya talaga kagustuhan 'yon, masyado ko na siyang kilala. Sino ba naman kasi ang kumuha ng litratong 'yon? Hindi niya ba alam ang salitang 'consideration'? Kita nang nahihiya ang tao, lalo pang pinahiya. Tapos blah blah blah. "

Nagkibit-balikat nalang ako at hinayaan siyang magsalita hanggang sa magsawa. I can't really tell her that Zed chose to do this by himself, can I? Zed had an option and this is what he chose, so now he has to face the consequences. The two options given by the two presidents had no right choice, so...yeah. Also, telling her something like this would ruin her littl--I mean, huge crush on him. Besides, it's cute.

Dahil sa sobrang daldal niya ay hindi niya na namalayang nasaharap na pala kami ng building nila, mabuti nalang at napansin ko kaya huminto ako sa paglalakad. Nagtaka pa siya nung una pero nang mapatingin sa paligid ay napapahiya niya akong tinignan. "S-sorry, masyado yata akong nalibang." Aniya na animong bago pa sakin 'yon e palagi naman siyang ganito tuwing nagkukuwento. Kapag masyado siyang libang sa mga pinagsasasabi niya ay hindi niya na alintana ang mga nangyayari sa paligid niya.

Ngumiti nalang ako. "Nah, it's fine. By the way, good luck on your exam. I know you'll do well."

"Yeah you too. Dapat mataas grades mo kapag may kaibigan kang sing ganda at talino ko." Pabiro niya pa akong siniko bago tuluyang pumasok sa classroom niya. Naiwan akong tulala at malapad ang pagkakangiti sa sahig.

M-magkaibigan na kami? Di nga? Weh? Pfft! May kaibigan na akong babae mga prii... Ang galing ko.

Kahit panandalian lang ay nawala sa utak ko ang sobra-sobrang kaba sa exam, bumalik lang nang pagpasok ko sa classroom ay sumalubong sakin ang mga seryoso nilang mukha. I can't really say I wasn't expecting this because I know, they're all nervous and they've been anticipating this the most.

Hinanap agad ng mga mata ko si Zed at Hendrix tsaka natawa nang makitang balot na balot sila sa isang sulok. Hindi ko alam kung okay lang ba sila o hindi pero mukhang okay naman sila bukod sa masyado silang maraming damit na sapaw. Halata sa itsura nilang nahihiya sila sa mga pictures na kumakalat pero siguro lamang parin ang bahala nila sa exam kumpara dun.

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now