CHAPTER 35

54 10 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 35: Mavy

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Tama nga talaga ang hinala ko kinaumagahan, usap-usapan sa buong paaralan ang pagdalo namin sa birthday ni Denver kahapon. Napuno sila ng papuri para sa section F ngunit lahat ay palihim. Maging ako, pinaulanan nila ng papuri. Sa lakas ba naman ng boses nila, paanong hindi ko maririnig. May iba pang sobrang lagkit kung makatingin samin. Para bang kinakama na kami sa mga isip nila. Nakakadiri mang pakinggan pero ganon talaga ang paraan ng pagkakatitig nila samin sa puntong nasanay nalang ako. Araw-araw ko ba namang makasabay ang mga 'to sa paglalakad, wala talaga akong choice kundi ang masanay.

"Cj..." Tinawag ako ni Austin kaya napatingin ako sakanya. Hinahaplos niya ang batok niya habang iniiwas ang paningin sakin."...Ano... pasensya nga pala sa nangyari kahapon. Ang sabi kasi ni Denver tumulong ka sa pagbuhat samin. Sorry talaga."

"Pfft! It's fine. Kahit na sinukahan mo ang kamay ko, okay lang."

Agaran niyang binalik ang paningin niya sakin habang nanlalaki ang mata. "T-talaga?! Sinukahan kita?!"

"Nagbibiro lang."

Napabuga siya ng malakas na hangin, nakahinga ata ng maluwag pfft! Ang katotohanang buhay siya ngayon ay tanda na hindi niya ako sinukahan kahapon. Kung nagkataong ginawa niya 'yon ay paniguradong nasaloob na siya ng kabaong imbes na pumasok sa school.

Pinandilatan ako ni timang at inirapan ng bongga. Aba aba... nagbibiro lang naman ako ah? Ano bang nakain neto't sobrang taray? Tsk. Sabay kaming pumasok sa classroom at sinalubong si sir. Nakaupo na siya sa upuan niya habang kaharap ang laptop niya.

Sinilip niya agad si Denver sa likod. "Denver, sorry for being absent last night. I had tons of work." Aniya.

Wala nga si sir kahapon. Inaasahan ko pa namang siya ang ha-handle sa mga 'to. Kung nakita niya lang kung anong kalagayan nila kahapon, paniguradong gugustuhin niyang pumunta dun upang pangaralan sila, siya lang kasi ang pinapakinggan ng mga halimaw.

"Okay lang sir. Pinayagan mo naman akong dalhin ang aso ko ngayong araw." Tugon ni Denver.

Hindi ko sana papansinin 'yon pero nang marealize ang sinabi niya ay sabay kaming lahat na napalingon sakanya. Halos mabali ang leeg ko makita lang siya.

"ANO?!" Gulat naming nasigaw.

Si Cat? Yung aso niya? Yung gift namin? Dinala niya? Ha? Saan niya naman nilagay aber? Nabasa niya yata ang isip ko kung kaya't inilabas niya ang aso mula sa dalang bag. Naroon nga talaga si Cat, nakayuko at parang naisturbo sa pagtulog. Wengya. Paano niya napanatiling tahimik si Cat sa loob ng bag niya?

Tinignan lang ni sir saglit ang aso at nakangiting binalik kay Denver ang paningin. "Just don't let anyone know, okay? Baka masibak ako sa trabaho." Pakiusap ni sir.

Tumango naman si Denver, nilagay pa ang isang kamay malapit sa mata para mag-salute. "Yes sir!"

Nalaglag ang mga panga namin. A-anong yes sir? What the hell? Nanggagago ba ang mga 'to? Baka may makakita sa aso at ireport kami. Oh man... Denver really is a spoiled brat.

"Baliw talaga tung si Denver." Kumento ni Stell nang makaupo kami sa likod.

"Sinabi mo pa." Sang-ayon ko.

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now