CHAPTER 28

75 15 0
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 28: The unusual way of reviewing

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

Kasalukuyan 'kong kaharap ang sarili ko sa salamin. Naglalakihang eye bags, gulo-gulong buhok, tulong laway at nanliliit na mata. Jusko po, anong nangyari sakin? Huling ala-ala ko sa sarili ko ay nang kaharap ko ang laptop ko habang nag-aaral.

Hinawakan ko ang mukha ko't natawa. "Cassidy naman...sinong nangulam sayo?"

Dali-dali akong pumasok sa banyo at nilinis ang katawan ko. Aba'y malamang, alangan namang pumasok ako ng ganon. Ikakahiya ako ng buong angkan. Matapos linisin ang katawan ko'y lumabas nako't pumasok. Kumain ba ako? Hindi! Bakit? Kasi late na ako.

"Oh? Anyare sa mukha mo?" Bungad ni Stell sakin nang maupo ako sa katabi niyang upuan. Kakarating ko lang at halatang ako nalang ang hinihintay ng lahat.

"Suffered thanks to y'all." Pekeng ngiti ko at ipinikit ang mga mata ko. Narinig ko ang iilan na magbulungan sa paligid ko pero pinili ko nalang na wag silang pansinin.

Last night, I studied like shit. Alam niyo yung pakiramdam na hindi kayo nag-aaral dahil gusto niyo? Nag-aaral lang kayo dahil takot kayong may sikretong mabulgar tsk nakakasama ng loob pre grabe. Walang pumapasok sa utak ko pero pinipilit ko. Kulang na nga lang idiin ko ang mukha ko sa reviewer eh.

"Cj, are you ready?"

Ibinuka ko ang mga mata ko para salubungin ang tingin niya, ni Raven. Wala paring emosyon ang mukha niya habang nakatingin sakin hayy. Satingin niya sa lagay kong 'to ay handa na ako? Napuyat ako kakaaral sa letcheng reviewer nila tapos hindi niya man lang ako patutulugin? Hindi pwede ang ganon mga pre!

"Can you please let me rest for a bit?" Sinabi ko 'yon ng walang ibang iniisip kundi 'hindi ako papayagan neto' kaya nagulat talaga ako nang taliwas sa inaasahan ko ang sinabi niya. "Sure."

T-tama ba ang narinig ko? Halatang nagulat rin ang iba naming kaklase sa narinig mula kay Raven. Pumayag ba talaga siya? Di nga? Seryoso? Tumingin ako kay Nathan para sana magtanong pero wala paman ay nakangiti na siya sakin sabay tinanguan ako.

"O-okay..." Nabulong ko sa hangin bago kabadong bumalik sa pagkakapikit.

Yo...am I dying? Mamamatay na ba ako? May mangyayari bang masama sakin ngayong araw? Katapusan ko na ba? B-bakit ganon si Raven? Nakakapanibago ang reaksyon niya. Kung si Nathan pa 'yon, hindi ako magugulat ng ganito.

Sa huli ay wala parin akong pahingang nagawa, napuno ng pagtataka ang isip ko dahil sa inakto ni Raven kanina. It's weird no matter where angle you view it from. Hanggang ngayon ay duda parin akong si Raven yung nakausap ko. Si Raven ba talaga 'yon?

"I hope some of you reviewed because I'm tired of giving punishment..." Nagsimula nang magsalita si Raven sa harap kaya naalerto ang iba, ganon rin ako. "...As you all know, our first subject every morning is math, which Sir Arthur teaches, our adviser, and from now on, I will lead this subject and kick y'all butts if you don't listen and answer correctly. I hate repeating my words and I also hate distractions, so keep your mind focused and don't think about anything else but now. With that being said, let me announce the one who'll lead every subject."

*Gulp*

'Yon na yata ang pinakamahabang sinabi niya sa tanang buhay niya. This is really interesting.

"Let's start with morning subjects. It's already obvious, I will lead math since it's my best subject. For Filipino; Santiago, Ramos and Dela Peña will lead. Social studies; Alvarez alone. For TLE or Technology and Livelihood Education; The Evans and Lim will lead. Values; Ramirez, Fujita and Ocampo..." Mahabang anunsyo niya sabay turo sa bawat taong sinasambit niya. Eyy, that's not fair, bakit ako lang mag-isa sa science? "...Afternoon subjects. Science; C-cassid--whatever, Cj Merkel. For English; Perez and Castro. Last subject, Mapeh; Gonzales and Dizon."

The Only Rose Among The ThornsWhere stories live. Discover now