CHAPTER 37

64 7 2
                                    


꧁The only rose among the thorns꧂

Chapter 37: Students from section F are not allowed inside

•••••••••••

Cassidy Jean's POV

"Oh my god! What happened to your hand?!"

Nagulat ako nang makita ko si Mavy na nanonood ng tv sa sala. Ang sabi ni manang, hindi siya makakapunta dito ngayon dahil busy siya sa school nila. Hindi ako nakapaghanda.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at dali-daling tumayo upang lumapit. Ang mukha niya, bakas ang pag-aalala. Ngayon niya lang ako nakitang ganito ka injured magmula nang matigil ako sa pakikipag-away. She must be thinking I ran into some trouble.

Shit. I can't stop myself from looking away. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Para akong may tinatago sakanya kahit na wala naman. In fact, siya ang may tinatago sakin. Pangiti-ngiti lang siya tapos may problema na palang dinadala.

She asked me what happened to my hand. Heh... What happened? Well I... I protected my enemy. Crazy right? The thing is... my enemy was once your treasured ally. Nangako ako sa sarili kong po-protektahan ko ang mga bagay na importante sayo. Ngayon, tinupad ko lang 'yon. I tend to stick with my word and never break a promise unless needed.

Hinawakan niya ang kamay kong may balot at parang naiiyak na pinagmasdan 'yon. "What happened?"

Ako naman ang nasaktan ah? Ba't siya ang mas naiiyak?

Imbes na sagutin ang tanong niya ay ngumisi lang ako. Kahit na alam ko na ang sikreto mo, maghihintay akong kusa mong sasabihin sakin ang tungkol dun.

Lumapit ako sakanya at marahang inakap ang isang kamay ko sakanya, yung walang injury. Sa ginawa kong 'yon, naramdaman kong pumatak ang kanina niya pang pinipigilang luha sa balikat ko. Sunod-sunod at sinasabayan pa ng mga hagulgol niya. She's crying her heart out and it's for a different reason.

"I... I'm sorry, C-cassidy. For not telling you..."

So I was right. Mahina akong natawa. Sinadya niya talagang ilagay ang puting folder sa lugar na madaling makita para mabasa ko ang nakapaloob. She didn't have the courage to tell it to me directly.

"...I'm really sorry... Witness ako sa mga pasa at sugat na dinanas mo sa section F and yet I n-never told you anything. Cassidy... *Sob* I'm an Evans. I'm... Ang mga nambully sayo... P-pinsan ko y--"

"Shh..." I cut her off. Seeing her cry pains my heart but this one is an exception. Marahan ko siyang inihiwalay sakin tsaka nginitian. "...Mavy... No matter what surname you have, I am and will still be your friend. Your surname doesn't matter. E ano naman ngayon kung sinuntok ako nung Hayden? Ano naman ngayon kung pinatiran ako nung Hunter? What they did has nothing to do with you..." Pinahiran ko ang luha niya. "...Mavy Evans. Your name is beautiful."

Imbes na sinabi ko 'yon para patahanin siya, mas lalo lang yata siyang naiyak. Hindi ko tuloy maiwasang matawa pfft!

Napakaiyakin naman nitong babaeng 'to and it's exactly the reason why she needs me, her protector.

Nagising ako kinabukasan nang may magaang loob at masakit na kamay. Langya, nagalaw ko nang hindi ko sinasadya. Ang sakit!

"Come to think of it... You never told me what happened to your hand."

Kumakain kami sa sala ngayon, magang-maga ang mata niya na halos hirap siyang dumilat.

"Don't worry, it's just some injury. Hindi ako nasangkot sa gulo."

The Only Rose Among The ThornsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora