Chapter 13 Love Me Like You Do

3.6K 299 124
                                    

"Real love has little to do with falling."


Thamarra POV


Saktong alas dose y medya ng tanghali ng dumating si Santos. Hiniram na muna niya pansamantala ang susi ko para may magamit siya sa pagpunta dito. May dala siyang mga gamit para kuhanan ako ng body temperature, blood pressure pati sample ng dugo kinuhanan ako.

"Masakit 'to sa umpisa ha?" Sabi niya na may mapaglarong ngiti sa labi kaya napairap ako sa kanya. "Pero kapag natusok na wala na 'yong sakit." Saka tumawa ng nakakaloko ng makita ang naging reaksyon ko.

Hay naku!

Napaigtad ako ng bigla niyang tinusok ang daliri kong hawak niya. Agad na lumabas mula sa daliri ko ang sariwang dugo. Napatingin siya sa akin ng may pag-aalala. Umayos ako ng upo sa gilid ng kama to assure her na I'm fine.

Nang matapos akong kuhanan ng dugo ay may ibinigay siya sa aking maliit na sealed container.

"Kailangan ko ng sample ng urine mo." Sabi niya.

"Wait, ngayon na ba?" Tanong ko. "Hindi pa ako naaano." Nakangiwing sabi ko. "Sana 'yong kanina pa."

"Gusto mo tulungan kita para maihi ka?" Muli na naman niyang tukso.

"Santos!" Saway ko. "Stop it already."

Napapalatak siya saka napailing-iling. "Uminom ka ng maraming tubig para maihi ka." Payo niya.

Para matapos na ay sinunod ko na lang ang sinabi niya. Nang makaramdam na ako ng pagkaihi ay nagtungo na ako sa banyo, dito rin sa loob ng kuwarto, para makuha ang sample ng urine ko.

Inilagay niya ito sa isa pang sealed container plastic at sa loob ng dalang bag bago tinanggal ang suot na surgical gloves.

"Kumain ka na." Sabay mosyon sa pagkain na binili niya sa labas para sa akin.

"Ikaw?" Tanong ko.

"Ikaw ang may sakit, hindi ako. Kaya kumain ka na." Sagot niya.

Napansin niya 'yong prutas sa bedside table na hindi ko naubos.

"O?" Kunot-noo niyang sabi. "Bakit hindi mo inubos? Hindi ba ang sabi ko sa note, 'eat me or else I will eat -"

Hindi na niya natapos dahil sinubuan ko siya ng ubas sa bibig para tumigil na.

"Kumain ka na lang din." Sabay pinandilatan siya.

Napapailing-iling na nginuya niya ang ubas. Sinamahan niya ako hanggang sa matapos akong kumain at makainom ng gamot.

Inalalayan niya akong makahiga sa kama.

"Magpahinga ka muna, kailangan ng katawan mo ng lakas. Buti na lang at naagapan natin agad 'yong sipon mo." Sabi niya habang inaayos ang kumot ko hanggang sa tiyan. "Balik ako after ng duty ko sa hospital." Dagdag niya. "May gusto ka bang ipabili?"

"Wala." Sagot ko. "Just be careful."

Ngumiti siya sa akin saka ako dinampian ng halik sa noo. "Alis na ako." Paalam niya.

"Okay, mahal." Tugon ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. "M-mahal?"

"Endearment?" May pagngiwing sagot ko. "Ayaw mo ba? May iba ka bang gusto?"

"Uhm," Parang nae-excite na naikiskis niya ang mga palad sa mga hita. "Syempre gusto ko. Gustong-gusto." Saka siya ngumiti ng pagkasuyo-suyo. "Alis na ako... mahal." Para siyang kinikilig kaya natawa ako ng marahan.

Love me, Miss ThamarraWhere stories live. Discover now