Chapter 1 Can I Be Him?

4K 336 283
                                    

"Love is everything it's cracked up to be. It really is worth fighting for, being brave for, and risking everything for. "

(Can I be him? - a song by James Arthur, officially released in 2016, and digitally released in 2017. This song is all about wanting to be someone else to capture the attention of your crush.)


Santos POV


"Okay na ba 'tong ayos ko?" Tanong ko kay Chantal habang nasa labas kami ng faculty room, araw ng Biyernes. Foundation Day.

Napaikot ang kanyang mga mata. "As if naman may difference sa suot mo at sa suot ko?" Komento niya.

Napakamot ako sa ulo. Paano, Foundation Day ng school nakasuot pa rin kami ng uniform. Ang KJ ngayon ni Miss Davis... este Mrs. Lucas pala. Haist, dahil ba sa wala si Lucas? Saan ba nagpunta 'yon at bigla-bigla na lang nawala? Last na pagkakita ko sa kanya noong bigla na lang lumitaw sa bahay na parang ewan tapos umalis din agad.

Napapalatak ako. Magsasalita pa sana ako ng makita si Miss Thamarra na pumasok na sa loob ng faculty room, kasunod nito ang isang matangkad na lalake na may hawak ng gamit niya.

"Santos, mukhang ngayon pa lang ay wala ka ng pag-asa. May boyfriend na o!" Komento ulit ni Shan sa tabi ko.

"Ano ka ba? Di ka naman siguradong boyfriend nga niya yon." Kontra ko. "Halika na bago pa tayo ma-late sa booth na hahawakan natin!"

Kada year level ay may kailangang booth na naka-setup. Sa amin ang Gourmet Food stall. May book stall, love and gifts stall, coffee and tea stall, may 'Marry Me' stall, my school and white elephant kung saan nagtitinda sila ng mga pre-printed school merchandise kagaya ng t-shirts, caps or mugs tsaka pre-loved, trash and treasure. At marami pa. Ang lahat ng mapagbebentahan ay mapupunta sa pondo ng school.

Pumasok kami ni Chantal sa faculty room at magalang na bumati sa mga guro na naabutan namin doon na abalang nag-aayos ng mga sarili o di kaya naman ay abalang nag-uusap usap bago magsisimula ang official time.

"Uhm, magandang umaga, Miss Tham-tham." May ngiting bati ko sa magandang guro na nakatayo sa likod ng kanyang lamesa. Nasa tabi nito ang lalaking kasama niya kaninang pumasok.

"Good morning." Tipid lang nitong bati.

"Ma'am, para sayo po pala." Sabay iniabot sa kanya ang binili kong bulaklak sa love and gift stall kanina. Siya kasi ang agad na naalala ko ng makita ang puting rosas. Ewan basta para sa akin ang pure niya.

Napatingin muna ito sandali sa akin bago may pag-aatubiling tinanggap ito. Mas lalo ng lumawak ang ngiti ko ng tinanggap niya ang bulaklak.

"Ma'am pwede po ba kitang ayain mamaya sa 'Marry Me' booth? Katuwaan lang po sana." Puno ng pag-asang tanong ko.

Hindi siya agad nakakibo. Nawala ang ngiti ko ng biglang hinablot ng kasama niyang lalake ang hawak ni Miss Thamarra na bulaklak na ibinigay ko at idiniretso sa trash can na nasa tabi nito.

"Hey, kid!" Singhal nito sa akin.

Sinong 'kid' ang tinutukoy niya? Ako ba? Tsk, parang mas matangkad pa nga ako sa kanya! Tapos tatawagin niya akong bata?

"Can't you see? She's not available."

"Simon." May pananaway sa tinig ni Miss Thamarra.

"At sa harap ko pa mo talaga mismo aayain ang girlfriend ko sa kalokohan mo?" Patuloy nito.

"Simon, ano ba?" Mahinang saway ni Miss Thamarra sa kanya saka parang nahihiyang napatingin sa paligid at sa amin ni Chantal.

Love me, Miss ThamarraМесто, где живут истории. Откройте их для себя