Chapter 6 Until I Found You

2.5K 291 308
                                    

"Love is not about how long I can wait for someone, but about how well I understand why I am waiting."


Santos POV


"I might be late by ten minutes. Is that okay with you?"

Basa ko sa text message ni Georgia sa akin habang nagbibihis ako sa loob ng kuwarto. Mabilis akong nag-reply ng 'Okay lang.' sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagbibihis.

"May lakad ka, anak?" Tanong ni mama nang bumaba ako ng hagdan.

"Yes, ma." May ngiting sabi ko saka humalik sa pisngi niya. "May date po ako."

"Pumayag na bang makipag-date sayo si Miss Thamarra?" Tanong niya habang inaayos ang pajama ni Summer.

Napangiwi ako. "Hindi po si Miss Thamarra, ma." Itinago ko ang lungkot sa tinig ko at tinakpan ito ng ngiti. "Naalala niyo po ba si Georgia?"

"Sinong Georgia?" Clueless niyang tanong. "Tsaka himala, bakit tumigil ka na ba sa panliligaw kay Thamarra?"

"Ma, si Georgia ho? 'Yong anak ni Mrs. Sabado na ka-chismisan mo dati sa tuwing sinusundo ka namin ni papa sa school?" Hindi ko sinagot ang huli niyang tanong.

Napaisip siya. "Ah..." Napapatango-tangong tugon niya.

"Sige ho, baka ma-late ako. Nakakahiya naman. First date ko 'to e." Saka muling nagpaalam sa kanya.

Humalik din sa pisngi ko si Summer at sinabihan pa ako ng 'Good luck, tito Ron.' bago ako umalis.

Ilang sandali pa ay nasa resto na ako naghihintay sa date ko. Napatingin ako sa suot na relo nang ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin siya. Naka-ilang baso na ako ng tubig. Nagugutom na rin ako.

Muli akong nakatanggap ng text message mula sa kanya. Twenty minutes pa daw kung okay lang sa akin, traffic daw kasi. Napaisip tuloy ako. Traffic? Sa Matalinhaga? Tsk.

Pero nag-reply ako ng 'okay lang' at muling naghintay ng twenty minutes. Dalawang beses na bumalik ang waiter para itanong kung ise-serve na ba nila ang pagkain. Sinabi kong twenty minutes pa then paki-serve na nila.

Saktong pagbaling ko ng tingin sa entrance ay siya namang pagpasok ni Miss Thamarra kasama ang boyfriend nito. Sandaling nagtama ang aming mga mata pero agad siyang umiwas. Napakuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa nang tapunan ako ng nang-aasar na ngisi ng kanyang boyfriend.

Napasunod ang tingin ko sa kanila. Naupo sila sa harap ng pangdalawahang lamesa malapit sa gilid, ilang lamesa lang din ang pagitan namin. Ni hindi man lang niya ipinaghila ng silya ang nobya!

Lumipas ang twenty minutes at mahigit pero wala pa ring Georgia na dumadating. Noon siya ulit nag-text sa akin.

"Sorry, Santos. I can't do this. Sorry." Iyon lang ang laman ng text message niya.

Lumapit sa akin ang waiter at muling tinanong kung ise-serve na nila ang pagkain. Sakto namang may dalawang may edad ng mag-asawa ang dadaan sana sa lamesang kinaroroonan ko.

"Saglit lang ho lolo, lola." May ngiting bati ko sa dalawang matanda na hinarang ko ang dadaanan. "Hulaan ko ho? Anniversary niyo?"

"Oo!" Masayang sagot ni lola. May pearl necklace pa itong suot!

"Ang galing ko naman!" Masayang sabi ko. "Tamang-tama ho, dito na po kayo. May in-order na rin po akong pagkain para sa inyo." Sabi ko sa kanila. Nagbaling ako sa waiter. "Paki-serve na lang sa kanila. Salamat."

Love me, Miss ThamarraWhere stories live. Discover now