Chapter 9 Iris

2.6K 284 251
                                    

"And I'd give up forever to touch you, 'cause I know that you feel me somehow. You're the closest to heaven that I'll ever be and I don't want to go home right now. And I don't want the world to see me 'cause I don't think that they'd understand. When everything's made to be broken I just want you to know who I am."


Santos POV


"Hoy." Sabay marahang siko kay Yhael habang kumakain kami ng lunch dito sa canteen. Parehong alas dos ng hapon ang break namin. "Tulungan mo na ako, sige na!"

Napakamot siya sa batok. "Ano namang alam ko sa biblya?!" Sagot niya. "Sundin mo na lang 'yong sinabi ni Miss Thamarra -" Saad niya. "Mag-Google ka!"

Napapalatak ako. "Alam mo namang hindi lahat ng sinasabi sa Google totoo e!"

Napapalatak din siya. Kapagkuwa'y inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na scrub suit na kulay dark blue, gaya ng akin.

"Heto," Sabay ipinakita sa akin ang cellphone. "Proverbs 5:19, Let her breasts satisfy you always." Saka napangisi.

"Pahiram ng expression ni Devone -" Sabi ko. "Baliw!"

Halos kakatapos lang naming kumain ng tumunog ang pager niya. Napapalatak siya.

"Mauna na ako." Sabi niya sabay tumayo mula sa kinauupuan.

"Sige." Tugon ko at hinayaan na siyang mauna.

Naisipan kong mag-text kay Thamarra kung okay pa ba na puntahan ko siya mamayang gabi para sa naipangako kong tutulungan siya sa paggawa ng test questions upang mas madali niya itong matapos. Wala agad akong nakuhang reply mula sa kanya. Hindi ko naman siya maaaring tawagan dahil oras pa ng klase niya.

Nang matapos ang break ko ay bumalik na agad ako sa hospital. May discussion kami mamaya kasama ang ilang Doctors at ang senior Radiologist doctor ko tungkol sa kaso ng isang batang pasyente.

"Shall we start?" Panimula ni Doctor Cortez, ang Chief of Surgery ng MGH.

Nakaupo kaming lima sa pabilog na lamesa. Ako, si Dr. Anton Vera Cruz, ang senior ko, si Dr. Cortez, si Dr. Mary Claire Espanto, isang Neurosurgeon at si Dr. Althea Viado ang Pediatrician ng batang si Zion Dizon na siyang pasyente dito sa MGH at sentro ngayon ng discussion na 'to.

"May we hear from the Radiology Department, please?" Sabi ni Dr. Cortez.

"Dr. Rona Kinsley Santos will present the findings." Sabi ni Dr. Anton.

Tumango siya ng bahagya sa akin indikasyon na pwede na akong magsimula. Binuksan ko ang projector sa bandang harapan para makita nila ng maayos ang bawat sasabihin ko maging ang ilang images na kuha mula sa MRI ni Zion.

"Good afternoon, I'm Dr. Rona Kinsley Santos, I'm in my first year of residency as Radiologist Doctor and it's my pleasure to present to you the findings from the Radiology Department." Panimula ko habang nakatayo sa harapan. Kinakabahan ako pero pinaglalabanan ko lang. "This Magnetic Resonance Imaging was performed by our RadTech, Jonathan Agpalo with the interpretations from Dr. Anton Vera Cruz, our own Radiologist Doctor, and yours truly."

Gamit ang hawak na wireless presenter remote ay nag-umpisa akong mag-click ng images and pages sa projector.

"We did an LSV with contrast type of examination for patient Zion Dizon, male, one-year-old, through the order of Dr. Althea Viado, his attending Pediatrician." Pagpapatuloy ko. "Clinical data: Palpable mass at the lower back. Technique: Plain and contrast MR study of the Lumbo-Sacral spine in multiplanar views."

Dumiretso na ako sa images ng findings.

"As we can see here," Sabay itinuro gamit ang laser sa bandang ibabang spine ng bata. "There is non-fusion of the dorsal element of S1 spine." Paliwanag ko. "The included spinal cord is normal in size and signal intensity. However," Sandaling tumigil ako sabay muling nagturo sa screen. "It is elongated and low-lying with the conus medullaris terminating at S1 level."

Love me, Miss ThamarraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt