Chapter 4 You Belong With Me

2.5K 280 368
                                    

"Then I met you... and all at once my whole world began to change."


Thamarra POV


"Uhm, Simon... no." Sabay pigil ko sa kanyang kamay ng hinawakan niya ako sa hita at hinaplos pataas papasok sa suot kong skirt.

May pagdabog sa kilos ni Simon ng napipilitang binitawan niya ako at tumigil sa paghalik sa akin. Umayos siya ng upo pabalik sa likod ng manibela at napatingin sa labas ng bintana. Kinuha ko naman itong pagkakataon para ayusin ang sarili.

Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang loob ng kanyang sasakyan. Halata ang kinikimkim nitong inis at galit sa paraan ng pagpalatak niya at paggalaw ng kanyang mga kamay.

"Palagi na lang bang ganito, Thamarra?" Basag niya sa katahimikan.

Hindi ako umiimik habang nakayuko lang.

"Bakit hindi mo kayang ibigay sa akin ang sarili mo? Mahal mo ba talaga ako?" Sumbat niya.

"Simon, alam mong mahal kita." Tugon ko sa mahinahon pa ring tinig. "Pero alam mo namang bawal hangga't -"

"Hindi pa tayo kasal." Siya na ang nagdugtong. "Bakit? Pakakasalan naman kita ah? Pero hindi nga lang muna ngayon dahil nag-aaral pa ako!"

He is currently pursuing Civil Engineering. It's his third course. Noong una ay Education ang kinuha niya at doon kami naunang nagkakilala at naging malapit hanggang sa naging magkasintahan. Hindi niya natapos dahil mas gusto daw niyang mag-Nursing. Nang bumagsak siya sa exam ay itinuloy na lang niya sa Engineering course.

"Simon -"

In-unlocked niya ang pinto at siya na rin ang nagbukas ng pinto sa tapat ko ng hindi bumababa ng sasakyan. Alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Ito ang pangalawang beses na ginawa niya 'to sa akin.

"Ayoko na." Sabi niya. "Tapusin na natin 'to. Wala na 'tong patutunguhan pa. Hindi mo ako mahal. Hindi mo kayang ibigay sa akin ang gusto ko."

Napalunok ako. Dati naman kapag nauuwi kami sa ganitong sitwasyon hindi naman siya nagagalit. Mayro'n 'yong unang beses na tinanggihan ko siya pero nagtampo lang hindi 'yong ganito.

Walang kibong kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba ng sasakyan. Siya na rin ang pabalyang nagsara nito pagkatapos. Mabilis na niyang pinasibad ang kanyang sasakyan pagkababa ko at iniwan ako sa gilid ng kalsada. Madilim na dahil late akong natapos sa school kanina. Ang dami kong chineck na test papers. Balak ko pa nga sanang iuwi ang iba pero dahil nag-aya siyang kumain kami sa labas kaya hindi ko na nagawa.

Napatakip ako sa bibig at pinigilan ang sariling umiyak. Napatingin ako sa magkabilang side ko hoping na may dadaang taxi o tricycle. Nang ilang sandali na ang lumipas na wala akong mahintay ay nagsimula na lang akong maglakad. Kusa ng tumulo ang mga luha ko habang naglalakad mag-isa sa gilid ng daan. Buti na lang at may mga streetlights para magsilbing ilaw ko.

Nakakailang hakbang na siguro ako nang may bumusina sa bandang likuran ko. Pumagilid ako dahil baka kako nakakasagabal ako sa daraan ng sasakyan.

"Miss Thamarra!" Si Santos na agad ibinaba ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan ng matapat sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay kunot-noong napatingin sa paligid.

Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natigilan siya ng mapansin ang mamasa-masang mga mata ko. Parang sumeryoso ang mukha niya saka mabilis na bumaba ng sasakyan niya.

"Ihahatid na kita." Seryoso ang kanyang tinig sabay kinuha mula sa akin ang mga bitbit kong gamit.

"Santos -"

Love me, Miss ThamarraWhere stories live. Discover now