Chapter 9: Persistent

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag sa akin si Mommy. Sinagot ko agad ang phone ko. "Mom?"

"How are you?" Bungad niya.

Sinabi ko lahat ng nangyari habang kumakain ako ng breakfast. Sa boses pa lang ni Mom, alam kong nag aalala din siya sakin. She never agreed to this anyway, ako lang talaga 'yong nagpumilit.

"Kung nahihirapan ka na, wag mo ng pilitin. Alam mo naman kung gaano kakitid ang utak ni Skie."

"Mom, hindi makitid ang utak niya." Depensa ko. "Mom you're being hard on him."

"Trix, I'm talking about the old Skie. 'Yong Skie na nakilala natin nung hindi ka pa dumadating sa buhay niya, nung hindi mo pa nabago 'yong ugali niyang 'yon. Let's face reality, hindi na siya 'yong boyfriend mo."

"He's acting like this because he lose his memory."

"I know, I just want you to open your mind. Hindi porket nagawa mo siyang patinuin dati eh magagawa mo ulit 'yon ngayon. This is too much lalo na hindi na naman kayo even before the accident."

Pinikit ko ang mata ko. I know Mom will never understand me because I know she just don't want to see me hurting and crying again because of Skie. She's done with it.

"Uuwi din ako Mom, don't worry."

"Okay fine, but I just you to know that your Dad is missing you so much and of course me as well. Kapag hindi ka pa umuwi after three months, pupunta na kami dyan ng dad mo."

"It wouldn't take that long, mom. I have to go, okay? Please say to dad that I miss and love you both. Bye." I immediately ended the call. "I miss New York.." Bulong ko sa sarili ko.

Naghanda na ako papunta sa school. Hanggang ngayon wala pa din si Tita Serina at Tito Charles kaya wala pa ding naghahatid sakin sa school, ang alam kasi nila si Skie ang kasabay ko pero dahil inis sakin si Skie, iniwan niya ako. Well, ayoko din naman muna siyang makasama after what happened last night.

Paglabas ko ng gate nagulat ako ng bumungad sa harap ko ang isang itim na kotse. Pagbaba niya ng side mirror, bumungad sakin si Caleb.

"Hi Angel, pinapasundo ka pala sakin ni Skie. Tara sakay ka na." Sambit niya.

"No thanks, kaya ko ang sarili ko." Tinalikuran ko agad siya at naglakad na ako. Hindi ako tinigilan ni Caleb, sinasabayan ng kotse niya ang paglalakad ko. "Will you stop following me?" Pagtataray ko sakanya.

"If you want me to stop, just hop in. Hindi naman ako rapist eh, wala akong gagawin sayong masama."

"Wala akong pakialam kung may gagawin ka man sakin masama o wala, I just don't want to ride in your car. Leave me alone."

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko. I tried to avoid him as much as I can. Hanggang sa paglabas ng Village nakasunod pa din siya sakin. Makulit din pala siya eh, noh. "Angel, please just hop in. Wala naman akong masamang intensyon sayo eh."

Tss. Wala daw? Maniwala ako sakanya.

Hindi ko siya pinansin at pumara agad ako ng taxi. Pagtapat pa lang sakin ng taxi, binuksan ko na agad ang pinto at sumakay agad ako. "Manong sa East University. Paki bilis lang po."

Pinaandar na ni manong yong taxi niya pero nakasunod pa din samin si Caleb. Seriously? Stalker ko ba siya? Nakakairita na siya ha.

Pagbaba ko ng taxi magmadali agad akong pumasok sa school para hindi na ako masundan ng Caleb na 'yon. Hindi na muna ako pumunta sa locker ko baka magpang-abot pa kami ni Skie. Dumiretso na ako sa room ko.

Umupo ako sa upuan ko sa likod. Nandon na si Skie pati yong dalawa niyang kaibigan. Wala din sa room si Anya. Hanggang ngayon ba hindi pa din sila okay ni Skie?

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon