"Bad news?" 

"Good news, it is" sagot niya at napairap na lang ako. 

"The Goods news is nakausap ko na si Dad regarding the Doctor. Binigyan niya na rin ako nang recommendation letter para maipasa natin doon sa Doctor and Hospital, all we need to do is, ayusin yung mga kakailanganin nang Hospital for Tito Jesse's transfer.  This letter will be considered as Go signal na rin, for formalities lang ba"

"Okay, that's good. Madali na lang yan, pwede naman ako magpatulong sa Secretary ni Tatay, dahil mas alam niya kung ano yung mga papers na kailangan asikasuhin." sagot ko naman

Sa halos araw araw na pagkikita namin ni Ms. Rachel ay nagkapalagayan na rin naman na kami nang loob.

"That's good! But the bad news is... Baka mahirapan tayong magpatransfer sa Doctor na iyon dahil naka assign pa siya ngayon sa isang malaking Hospital sa Pampanga, at wala pang definite date kung kailan siya makakabalik sa Hospital dito sa Manila."

bigla naman ako napaisip kung ano ang dapat kong gawin. Parang walang pumapasok sa utak ko.

Sa mga ganitong panahon, mas lalo kong naaalala si Dean, kung kausap ko siya ngayon malamang makakatulong agad siya sa pagbibigay nang mga solution sa mga problema ko.

"P-paano kaya iyon? May naiisip ka bang suggestion?" tanong ko kay Niccolo

"I do have one, kaya lang hindi ako sigurado if okay lang sa'yo" 

"What is it? Tell me" 

"We can either go to Pampanga everytime na kailangan bumalik ni Tito Jesse sa Doctor or mag-iistay kayo doon pansamantala habang nagpapagaling si Tatay Jesse... Kung iniisip mo ang accomodation, walang problema kasi may bahay naman kami doon na pwede niyong magamit, wala naman din nakatira doon" suhestiyon niya

Bakit may "we"?

Hindi naman kaso ang accomodation kasi we can check-in naman sa hotel.

"Pero nag-aaral ako, Nicco" sagot ko, parang sumakit lang ang ulo ko sa sinabi niya

"Oh, I didn't expect na you'll consider prioritizing School, sorry" sagot niya

Syempre, mula nang nakilala ko si Dean ay nagtino naman na ko sa pag-aaral noh!

"Sobrang hassle din kasi if babyahe ka pa from Manila to Pampanga nang halos araw-araw, saka I heard na napapadalas ang pagdala niyo kay Tito Jesse sa hospital" sabi niya

He and his ways na naman. 

Napa isip akong muli, was St. Benedict Medical Center not enough to cater Tatay's need?

"Is there any way para makausap natin yung Medical Doctor na tinutukoy mo? Or is there any other option? Like, baka may iba pa na magaling rin?" tanong ko sa kaniya, baka sakaling may iba pa namang paraan

"Jema, siya na yung best Doctor na meron tayo sa Country na to. Aside dun sa Doctor na naka-assign kay Tito Jesse. He's the best option we have, right now" sagot ni Niccolo mula sa kabilang linya

"Okay, pag uusapan muna namin ito nila Tatay at Nanay, then kapag nakapag decide na ko, I'll inform you na lang ha. Salamat, Niccolo." sabi ko

"Anything for you... Just remember, I'm only one call away, okay?" aniya

"Yeah, thank you" sagot kong muli at pinutol na ang tawag. 

Napasalampak naman ako sa aking higaan. Sumakit lang lalo ang ulo. 

Nang gabi ring iyon ay nagkaroon kami nang Family meeting, kinuwento ko sa kanila yung napag usapan namin ni Niccolo.

Alam kong galit sila kay Nicco, pero pinaliwanag ko naman na nais lang tumulong ni Niccolo sa amin. 

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now