26

114 5 8
                                    

Chapter Twenty-Six: Heart to heart talk ni Lemon at Yao



"Mag-sorry ka."

Hindi inasahan ng lahat ang sinabing iyon ni Byrus. Maging sina Kenji, Lemon at Yao ay kumunot ang mga noo sa gulat.

"What?! Bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"Mag-sorry ka," ngunit seryoso lang muling banggit ni Byrus sa ikalawang pagkakataon.

Lukot ang mukhang tiningnan nito si Hari at labag sa loob na humingi ng tawad.

"Ulitin mo."

"Ano?! Argh!" huramentado pa ng babae. Simangot at galit muli itong huminga ng malalim. "I'm sorry."

Kahit hindi pa kumbinsido ay hinayaan na iyon ni Byrus dahil kumpara sa kahihiyan na nangyari kay Hari kanina ay mas kahiya-hiya na ang ginagawang paghingi nito ng tawad sa harap nilang lahat.

Sunod niya itong sinabihan na lumapit kay Rounan.

"Bakit pati siya?!" naiinis nang sambit nito.

"Hindi mo ba siya naaamoy?" nayayamot na sagot lamang ni Byrus.

Naiinis muling humingi ng tawad ito na ngayon ay kay Rounan. Lihim niya pang inirapan ito sa inis na kanyang nararamdaman.

Natutuwa namang sumagot din ang lalaking si Hugo. "Si Tito Bam pa," anito kaya naman halos mangiyak-ngiyak na ang babae na tinatawanan na nina Jed, Citi at Dee.

"Sorry okay!"

"Hehe ayos lang."

Inirapan din ni Krystal si Bam saka yamot na bumaling kina Byrus. "Pwede na ba 'ko umalis?!"

Taas kilay na itinuro ng mukha ni Byrus ang daan waring sinasabi'y na pwede na nga siyang umalis. Ngunit bago sila malampasan nito ay muling hinigit ni Byrus ang kanyang braso kaya naman napasigaw muli ito sa sakit.

"Are you planning something?"

"A-ano ba?!"

"Pakakawalan lang kita if you tell me all your plans."

"W-wala naman eh. Pakawalan mo na 'ko! Hindi ko alam na yung iba."

"So meron nga?" anitong muli na humihigpit na ang pagkakahawak sa kanyang braso.

"A-aray Byrus tama na please."

"I will let you go, so now tell me."

"Esterial! D-dadalhin nila doon si Sanciangco sa biyernes."

Ngayon ay nagkatinginan silang lahat maliban kay Byrus na tanging nakatingin lang sa babaeng hawak niya.

"Esterial? 'Di ba lumang establishment 'yon?" bulong na tanong ni Jed sa katabi nang sina Hugo.

Kinompirma iyon ni Peter. "Halos bakanteng lote na rin 'yon ngayon. Pero alam ko doon ang kuta nina Kumag."

"Sino si Kumag?" -Citi.

Napatingin si Peter sa mga katabing sina Jed, Simon, Mike at Citi. May mga katanungan ang sa isip ng ilan.

Doon ay nahinuha na rin ni Simon ang iniisip ni Peter. "Posible kayang..."

"And why would they bring her to that place?"

"S-si Camille. Si Camille may plano no'n. Nagpatulong si Camille sa kapatid niyang si Jerome."

DVIRUS: The last section [On going]Onde histórias criam vida. Descubra agora