24

57 6 0
                                    

Chapter Twenty-Four: Ayoko ng pagkatao mo



Natapos nga ang araw na iyon na hindi nagpakita si Byrus. Nagalit naman ang kanilang guro na si Sir Vhon sa kanilang klase dahil sa nangyari ngunit tila walang pakialam doon sina Yao at Lemon. Si Peter ay makikitaan ng pag-aalala kung saan nga ba nagtungo si Byrus, ganoon din ang iba.

"Uuwi si Byrus. Just stay and don't over react! Hahampasin na talaga kita Dee, tingnan mo," yamot na ani Lemon dito.

Lumabas siya at ang kaibigang si Yao. Kasama nila itong umuwi para sunduin si Kenji. Sa bahay kasi ito ni Byrus nanatili buong araw at hindi muna pumasok.

"I'll be okay," pag-ngiti nito kay Hari. Nakita niya itong panay ang sulyap sa kanya na tila ba nag-aalala.

Guhit na ngumiti si Hari at bumuntong hininga. "Huwag mo nang hahayaan masaktan ka pa ni Warren."

"Tss. Huwag mo akong paalalahanan ng ganyan. Baka hanap-hanapin ko."

Muli na lamang ngumiti si Hari, hindi niya na rin inunawa ang sinabi nito. Hindi naman naiwasan ni Kenji na guluhing muli ang buhok nito na hindi agad naiwasan ng babae kaya kunot noo nito itong sinamaan ng tingin. Natawa na lamang doon ang binata.

Mula naman sa sasakyan ay isang mariing tingin na nanggagaling kay Yao ang sa kanila'y nakatanaw. Hawak nito ang manibela at disgustong pinagmamasdan silang dalawa.

Tulad kagabi ay muli nilang hinintay ang pag-uwi ni Byrus. Ngunit hindi na nakatiis sina Riki at Dee na pumauna nang matulog. Si Bam ay nakatulog na rin sa sofa ng kanilang sala. Ngunit si Hari ay inabangan ang pagdating ng kanyang hinihintay.

Kalagitnaan na ng gabi nang dumating ito sakay ng sasakyang itim. Iyon ang kasama ng sasakyang pula na nasa saktong laki na garahe ng kanilang bahay.

Napatakip si Hari ng mata nang masilaw ito sa ilaw ng sasakyan. Agad naman iyong nawala nang patayin ni Byrus ang makina.

Kasabay ng pagtayo nito ang paglabas ng lalaki sa sasakyan.

"Why are you here?" / "Okay ka lang?"

Binalot ng pagkailang ang dalawa dahil sa sabay nilang pagsasalita.

Umismid si Byrus. "Ano bang ginagawa mo dito sa labas?"

"Uh, hinihintay kasi kita. Actually kaming lahat kaso nakatulog na silang tatlo."

"At ikaw?" anitong parang wala lang. Nawala na rin kasi agad ang pagkailang nito kanina.

"Ha?"

"Ba't hindi ka na rin lang natulog? Mukhang inaantok ka na."

Pumasok silang dalawa na naabutan pa si Bam na nasa sala. Napailing na lang si Byrus nang marinig ang paghilik nito.

Hindi inintindi ni Hari ang tanong ng lalaki. "Hinahanap ka ng head teacher kanina. Natawagan din daw niya ang kapatid mo at alam niyang hindi talaga kayo magkikita. Naka-off siguro yung phone mo kaya hindi ka rin matawagan nina Lemon."

Saglit siyang tinitigan ni Byrus. Bakit ba ganito ang babaeng ito? Bakit hindi na lang siya natulog at inalala pa ang kanyang lagay? Bakit kailangan niyang ipakita ang kabaitan niya sa kanya? Nainis siya sa isiping iyon. Nainis siya dahil sa pangingialam nito sa kanya.

"Mind your own business, okay? You're not my family for me to tell you my whereabouts. May I just remind you, you are not here to interfere any of my business. So back off."

Hindi nakagalaw si Hari sa kinatatayuan nito. Umalis si Byrus at nilampasan siyang umakyat sa kanyang kwarto.

Hindi tumagal ang sandaling iyon at agad niyang naramdaman ang nagbabadyang luha. Ngumisi siya ng mapait. Tama nga naman kasi ang lalaki. Bakit kailangan niyang mangialam sa buhay nito.

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now