25

71 7 2
                                    

Chapter Twenty-Five: Huwag galitin si Byrus



"Your girl is with me," panimulang bati nito.

"Girl what? Huwag kang manggago, Yao."

"Tss! Hari. She's with me."

Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya. Ngunit kalauna'y nagsalita rin. "Anong kinalaman ko d'yan? Pauwiin mo, bahala ka."

Pagak muling ngumisi si Yao sa narinig kay Byrus. "She's with Warren earlier. Nagpunta ng hotel."

"You mean what?"

"I saw her at Breeze Blows. I don't know what she's doing there but Warren saw her. Dinala siya sa hotel nila. And I fucking don't know what's this instinct na tulungan siya but yeah, your girl is safe."

"Fuck you she's not! Bahala ka, iuwi mo dito kung gusto mo."

Tumawa si Yao sa tuwang naiinis niya ito. "Fine. Don't be jealous if I carry her. She's sleeping now. Bye," agad nitong pagbaba dahil ayaw na nitong makarinig pa ng mura galing sa kanya.

Sa traffic na kanyang naabutan sa pagmamaneho ay napasulyap siya sa natutulog na si Hari. Pinagmasdan niya ang nakahilig na ulo nito malapit sa bintana. Ang mukha nitong natakpan ng kaunting hibla ng buhok. Bumaba iyon sa pisngi hanggang sa baba nitong tanaw maging ang kanyang labi.

Hindi iyon nagtagal doon dahil ang leeg nitong bukas para makita niya ang nagpalunok sa kanya ng marahas. Nakita nito ang hanggang balikat na ngayon ay natatakpan ng damit, naalala nito ang nangyari noon sa ospital. Hindi niya alam kung bakit muli niyang naramdaman iyon.

Marahas niyang itinuon ang tingin sa daang puno pa rin ng sasakyan. Damn! What's this thing I'm feeling?

Hindi siya nilayasan ng imahe ng babae. Sa malalabong sasakyan sa ilalim ng trapiko ay muli niyang naalala ang suot nitong bistida nang sabadong iyon. Minsang niyang nasabi sa sarili na nababagay iyon sa kanya. Ang paggalaw ng lalamunan ni Hari sa tuwing ito'y lulunok hanggang sa balikat nitong bukas upang makita niya ng malaya. Nang panahong iyon ay gusto niyang hubarin ang suot na jacket at takpan ito niyon nang hindi siya guluhin nito.

"Fuck!" mahinang mura nito sa sarili saka pinaharurot ang sasakyan sa lumuwag nang trapiko.

Mabilis nilang narating ang bahay ni Byrus. Wala pa namang dilim at may oras pa siya para uminom. Itutuon na lang niya ang sarili sa alak mamaya.

Marahan nitong ginising ang babae na agad namang nagising. Tinanaw pa nito ang lugar na hinintuan nila at nang mapagtantong nasa bahay na sila ni Byrus ay mas nagising ang diwa nito.

"We're here," malamig na sambit ng lalaki.

Tiningnan niya si Yao. Sa hiyang kanyang naramdam ay mabilis itong nagpasalamat at bumaba. Sinulyapan niyang muli ito ngunit mabilis na ring pinaandar ng lalaki ang sasakyan. Tinanaw iyon ng nasa taas na si Byrus na nakatanggap na ng tawag mula sa kaibigan.

"Safe and sound."

"Tigilan mo ako, Yao."

Ngumisi ang nasa kabilang linya. "She woke up before I carry her, sayang."

Sa inis ay binabaan na ito ni Byrus na ikinatuwa na lamang ni Yao habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Ngunit kalahati ng isip nito ay ang babaeng gumugulo na ng mundo niya.


Walang ingay ang naririnig sa sasakyan kundi ang boses ni Dee. Lulan ng pulang kotse ang nagmamanehong si Bam na katabi si Byrus. Si Riki na nasa kanang bahagi ng bintana, si Dee na nasa gitna at si Hari na nasa kabilang bahagi rin ng bintana. Hindi kasi pinakawalan ni Dee ang babae kanina at pilit itong isinabay sa kanila. Nagtalo sila nang una dahil nga naman nagrereklamo ito nang sumasabay na ang babae pero heto siya ngayon nanguna sa pag-imbita kay Hari.

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now