4

89 10 75
                                    

Chapter Four: Pagpasok ni Kenji at bagong kaklase



Agad na nagsipunta sina Hugo, Citi, Mike at Jed sa talyer nang umaga. Naabutan pa nila ang kaibigang si Bam na inaayos si Melanie. Dumaan ang mga ito sa likod niya kung saan pinalo pa ni Hugo ang pang-upo nito.

"Fuck you Hugo! Anong ginagawa mo dito?!" inis na sigaw ni Bam.

Tumawa lang ito at diretsong pumasok. Naabutan nito sina Byrus at Yao na parehong nagkakape.

"Ba't ang aga niyo magsipunta dito?"

Hindi nila pinansin si Byrus at naupo lang sa tabi nito, lumagok sa kanyang kape at nakihati ng tinapay. Sa inis naman ng lalaki ay ibinigay na lamang niya ito ngunit binawi ang kape.

"Hindi ka ba nag-almusal sa inyo?" yamot na tanong pa nito.

Sumagot naman si Hugo. "Hindi e. Umalis din si Nigo."

"Sa'n naman nagpunta 'yang kambal mo?" tanong ni Yao.

"Saan pa? Edi sa girlfriend niya. Alam mo naman yun, mas importante pa yung gf kesa kapati..." ani Citi pero sa kadaldalan nito ay marahas na siyang sinubuan ni Jed ng tinapay sa bibig.

"Kumain ka na lang. Daldal mo e."

Wala lang naman iyon kay Hugo ngunit ramdam din nila na apektado siya sa ganoong set up nilang magkapatid.

Irap na bumuntong hininga si Byrus. "Okay, sabihin niyo na pinunta niyo dito," pag-iiba nito ng usapan. Alam din nito na hindi ito magpupunta ng ganito kaaga para lang makikain basta.

Tumikhim si Mike. "We saw that girl yesterday. With Warren's troup," pagbigay impormasyon nito.

"Pero hindi iyon yung inaakala natin," banggit din ni Jed.

Kumunot ang noo ng dalawa at nagsalita si Yao. "What do you mean?"

"We saw Warren's troup forcing her na sumama sa kanila. Dalawa lang 'yon, either she's saying the truth na wala siyang koneksyon kay Warren, o pwede ring meron," pagse-seryoso naman ni Mike.

"Continue." - Byrus

"She was forced, ayaw niyang sumama sa kanila and we heard her na si Warren lang talaga ang gumugulo sa kanya. But, it can be also a couple fight." -Jed

Nangiwi si Byrus sa huling narinig kay Jed. Kinikilabutan talaga siya sa mga ganoong salita.

"Wala na kayong narinig na iba pa?" pagtatanong muli ni Yao.

"Bukod sa mga pagsigaw niyang ayaw niya raw sumama e yun lang." -Citi

"Para kasing bumubulong magsalita yung Justin na 'yon!" inis na sambit ni Jed na inubos ang hawak na tinapay.

Nagkatinginan si Yao at Byrus. Nasabi na nito ang plano niya at hinihintay na lamang si Lemon at Simon. At tutal naririto na rin sina Hugo, mababanggit niya na rin ito sa kanila.

"Nakausap mo na ba si Kenji?" tanong ni Byrus kay Yao.

Tumango ito saka umayos ng pagkakasandal. "Tangina mo rin daw," bungad nito sa kanya.

Hindi na nabigla si Byrus at nangisi lang. "What else did he say?"

"Papasok na siya sa lunes."

"And?"

Muling nangunot noo si Yao kay Byrus. "Do I need to say na minura niya rin ako?"

At lahat ay natawa sa kanyang sinambit.

"That guy, wala ka namang maririnig kundi puro mura," iling pa ni Mike.

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now