6

80 5 33
                                    

Chapter Six: Hindi siya katipo-tipong lalaki



"What exactly did you do, Byrus? Bakit gano'n na lang ang galit ng babaeng 'yon?" pagsisimula ni Yao. Nakapwesto silang muli sa hagdan.

"Oo nga By, kung nakita mo lang kung pa'no nasuntok si Hugo kanina. Tsaka yung galit niya kanina ramdam ko tagos sa buto," saad naman ni Jed na nakikisalo sa pagkain ni Mike.

Inis lang na nagpaikot-ikot ang mata ni Byrus sa bawat tanong na naririnig niya. Naririndi siya sa totoo lang at gusto niyang layasan ang mga kaibigan. Ang totoo, hindi niya rin inakala na magagawa iyon ni Hari, na makakaya niya. Suntok? Ginagawa din pala iyon ng isang babae.

"Pero grabe 'no, ibang klase siya. I have seen strong and fierce woman pero naiiba siya talaga." -Jed

"Naiiba rin yung isang transferee. Napakakulit." -Mike

"Hahaha oo. Alam mo ba kanina nadapa siya. Grabe nakakatawa talaga." -Citi

"Pa'nong di madadapa, pinatid mo." -Jed

"Ano ngang pangalan nu'n? Dinadaldal ako kanina e. Nakakarindi." -Dee

"Rounan pangalan niya. Mas masaya pa siya pagtripan kay Criss Anne, hahaha." -Mike

"I want to see her reaction 'pag ginawa natin sa kanya yung nangyari kay Cassidy noon." -Simon

"Pota, nai-imagine ko nang nakakatawa siya." -Jed

Agad silang bumalik sa silid nang matapos ding kumain. Sa loob nama'y nagkaroon ng komusyon, naroon ang advisory teacher nila na inanunsyo ang paglipat ng dalawa nilang kaklase.

"Pwede pa 'yon Sir?" -Mike

"Oo nga Sir." -Peter

"Kahit nakadalawang linggo na, pwede pa sila magpalipat ng ibang section? Unfair naman." -Jed

Napayuko ang dalawang sina Criss Anne at Leah dahil sa mga reklamong naririnig mula sa mga kaklase.

"Nabanggit ni Ma'am Rosario na pwede pa sila sa klase niya, humiling din kasi ang parents nila na kung pwede pa mailipat sila ng section. At iyon ang napag-uusapan namin ng mga advisory teachers ngayon. Since dalawa lang ang matitirang babae dito, I would like to know kung kayo ba gustong lumipat? Mas maigi sana kung puro lalaki na lang ang maiwan dito sa klase ko."

Tahimik na nag-abang ng tugon ang mga lalaki mula sa dalawang babae.

"Uhh..." pagsisimula ni Rounan na napatingin pa sa mga kaklase niya.

Hati ang nadarama ng ilan, sa isip nila ay nakakaburyo ang puro lalaki lang. Wala kasi silang mapagtitripan. At hindi rin dapat makaalis si Hari sa klaseng ito, iyon naman ang naiisip ng ilan sa kanila.

"Dito na lang ako, Sir," ngiting sagot ni Rounan sa guro.

"Ha? Naku, bakit naman hija? Maiiwan kang mag-isa dito. Puro sila lalaki."

"Ahh kasi... huwag na po. Okay na ako dito."

"Ba't naman ayaw mo? Maganda kung sa ibang section ka mags-stay, doon may mga babae."

Sa pagpilit pa ng guro ay biglang nagsalita si Byrus. "Pwede bang mamaya niyo na pag-usapan 'yan? Lumipat na kayo kung gusto niyo. Sir, math class na namin," anito tukoy ang dalawang sina Criss Anne at Leah.

Wala nang nagawa ang guro dahil kay Byrus, inaamin niya sa sarili niya na ilag siya dito minsan dahil nga naman sa kung sino ito. Sinabi na rin niya na mamaya na lang nila pag-uusapan ulit sa klase niya ang naging usapin.

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now