TC 020: Bloody Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    


01:00. Labis ang pagtataka mula sa mukha ni Amy dahil sa nakita nitong oras. Hindi ang tipo ng kanyang yaya ang gumising at maglinis ng ala- una sa kanilang bahay. Tila automatikong dumaloy mula sa kanyang mga kalamnan ang kaba at kilabot mula sa kanyang katawan. Dahan- dahan itong sumilip mula sa kanyang pintuan at sinilip kong anung nangyayari mula sa labas ngunit katahimikan ang sumalubong mula sa kanya. Walang bakas ng nahulog na bagay ang makikita mula rito.


"Amy, relax! Guni- guni mo lang ang lahat okay?", saad nito sa kanyang sarili sabay palo nito ng hindi kalakasan mula sa kanyang ulo.


Nang isasara na nito ang pintuan sa kanyang kwarto ay isang anino ang biglang pumasok mula sa kanyang kwarto na agad niyang ikinagulat.


"Anong ginagawa mo dito?", pagtatakang tanong ni Amy mula sa taong na nasa kanyang harapan. Hindi mababakas ang kaba o anumang takot mula kay Amy dahil sa kilala na nito kung sino ito. Kilala na nito kung sino ang puno't dulo ng nangyayare sa kanilang seksyon!


"Gusto ko lang manigurado na tumutupad ka sa ating usapan, Amy. Ang ayaw ko kase sa lahat ay yung tinitira ako patalikod eh", sabay labas nito ng isang maliit ngunit matalas na patalim mula sa kanyang likurang bahagi ng kanyang katawan.


"O-oo. Hindi ako sisira sa usapan natin", nanginginig nitong wika mula sa kanyang kausap dahil sa nakatutok mula sa kanyang leeg ang matalas na patalim nito.

"Good! Dahil kapag ako tinaydor mo ay alam mo na kung anong mangyayari", bulong nito mula sa kanya at umalis ito mula sa kanyang kwarto.


"Bago ko pala makalimutan, pinatahimik ko na ito para sa'yo dahil sa napakaingay nito at napakadami ng nabasag sa bahay niyo. Magpasalamat ka sa akin dahil nabawasan na ang suswelduhan nyo. Hahaha!", anas nito mula kay Amy sabay tapon sa isang walang buhay na katawang duguan mula sa kanyang harapan.

Ang kanyang yaya Crizelda!


"Hayop ka! Bakit mo 'to ginawa kay yaya Crizelda! Napakawalang puso mo!", galit na sigaw nito mula dito ngunit hindi nagpatinag ang kanyang kausap at agad itong lumapit mula sa kanya sabay tutok nitong muli sa kanyang leeg na siyang naging dahilan upang magkaroon siya ng isang maliit na hiwa mula doon.


"Bakit gusto mo bang sumunod na sa maingay mong katulong ah!", sigaw nito mula kay Amy na tumatagaktak na ang pawis nito sa kanyang mukha at iniiling nito ang kanyang mukha tanda na ayaw nito.


"Good! See 'ya in your birthday Amy Aruha! Hahaha!", turan nito sabay tawa na tila nangagaling mula sa ilalim ng lupa ang kanyang boses at agad itong umalis sa kanyang kwarto.


Tinitigan niya ang kanyang yaya Crizelda. Namatay itong nakadilat ang mata. Duguan ang damit nitong pang katulong at wakwak ang leeg nito na halos matanggal na mula sa kanyang katawan. Maging ang tiyan nito ay labas ang ilang lamang- loob mula dito dahil sa tindi ng mga hiwa mula dito. Bali- bali din ang kanyang katawan at halos lumabas ang buto mula sa mga ito.Napaiyak na lamang ito sa malagim na sinapit ng kanyang yaya. Hindi nito akalain na maging ang walang kamalay- malay na yaya niya ay ganito ang sasapitin mula sa kamay nito.


Ngunit buo na ang kanyang desisyon! Sasabihin na niya mula sa kanyang kaarawan sino ang dahilan sa mga pagpatay na nangyayare sa kanilang seksyon. Hindi na kinakaya ng kanyang konsensya ang nangyayare sa kanila. Ihahayag na nito ang baho nitong kinukubli mula sa kanyang pagkatao. Kailangan na niyang tapusin kong ano ang sinimulain nito!

The CollectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon