20. The Move (Part 1) 🚚

Start from the beginning
                                    

"Anak, lilipat na tayo ngayon. Tutulungan pa nga n'ya tayong maglipat ng gamit. Parating na rin siguro siya. Dadalhin daw niya 'yung truck nila."

"What? Wait, ma. As in ngayon na po? Ma, nakakahiya. Sobra-sobra na 'yun. Teka, kausapin ko siya," gulat kong reaksyon sabay hanap sa phone ko. Pero bago ko pa ma-dial ang number niya ay naagaw na ang atensyon ko ng malakas na ugong ng rumaragasang truck.

"Siya na siguro 'yan," sigaw ni mama.

At sa pagbaba niya ng truck ay biglang ipinaalaala sa akin ng universe kung gaano kakisig ang aking kaibigan.

"O ba't natulala ka?" bati niya.

"Ikaw kasi. Alam mo nakakainis ka. Sana sinabihan mo muna ako. Uso na naman ang phone ngayon, isang dial lang e."

"Sorry, Mek. Gusto ko nga sana. Pero gusto kasi nina Tita na surprise sa'yo," nahihiya niyang sabi.

"Oo anak. H'wag ka na ngang magalit kay Mark. Ang dapat mong gawin ngayon ay ipaghanda mo muna ng merienda ang tao."

"Naku, hindi na po," tanggi naman niya.

"Alam ba 'to ni Ara?" pag-uusisa ko habang naglalakad papasok sa bahay na iiwan na pala namin.

"Hindi ko rin nasabi sa kanya. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap lately. Nagseselos daw kasi si Christian," tugon nito. Ang laking guwapo kasi niya kay Christian. Bahagya akong natawa. I know, Christian. Kahit nga sa'kin, nagseselos 'yon. Sa kanya pa nga nagsimula 'yung tsismis na tomboy ako e.

Nang makapasok na sina mama sa loob ng bahay ay muli kong kinausap si Mark.

"Thank you ha. The best ka talaga. Nakakahiya na nga lang sa'yo. Pero totoo, Mark, ibabalik ko na lang 'yung laptop. Sobra-sobra na 'to e," nakayuko kong sabi.

"Ano ka ba? Para 'yun lang. Maliit na bagay. Ang gusto ko ituloy mo ang pagsusulat mo." Nito ko lang na-realize na mayaman din nga pala ang lalaking 'to. Oo may ilang restaurant at bars sila sa bayan at may mga apartment din silang pinapaupahan. Siguro dahil ang simple lang naman niyang tao kaya 'di na 'yon masyadong sumasagi sa isip ko.

Pagkatapos nilang mag-usap nina papa, tinulungan na rin niya itong maghakot ng ilang kasangkapan paakyat sa truck niyang dala. Sinubukan ko pa siyang pigilan pero nagpupumilit talaga siya. At sa pagbubuhat nito, lalo tuloy na-emphasize ang tikas ng katawan niya at kung gaano kaganda ang makinis at moreno niyang kutis lalo na 'pag nasisikatan ito ng araw. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang people skill niya. Kahit kasi sina papa at mama ay madali nitong nakasundo.

Nang mapuno na ang truck ay nagyaya na siyang bumiyahe. Doon na ako sa unahan pinaupo nina mama habang sila ni papa ay doon sa likod ng truck.

Muli kaming nag-usap ni Mark. Naka-muscle shirt lang siya kaya naman bahagya akong napapalingon sa nagpapapansin niyang biceps habang nagmamaneho.

"Bakit ang bait-bait mo, Mark?"

Napaismid ito. "Bakit mo sinasabi 'yan? Mek, kaibigan kita kaya wala sa'kin 'tong mga ginagawa ko for you."

"'Yun nga e. Parang nawiwirduhan lang ako. Technically, kakikilala lang natin. Yet I feel so comfortable with you. Para bang ang tagal na nating magkakilala."

"Well on my part, Mek, matagal na talaga kitang kilala."

"What? Pa'no?"

"We've met once. I'm not really expecting that you'd remember me. You're very in love that moment. Damang-dama ko 'yon sa tula mo. I think that's 2 years ago. And I think that's your first time to read a poem in front of a lot of people. Sa bar pa namin. Hindi kita malilimutan. You nearly cried while you're delivering that verse. Pero sobrang galing mo no'n... pramis. Kahit sinong lalaki itatanong kung bakit hindi mo sa kanya dinedicate ang tulang 'yon. Napaka-swerte ni Ken."

"I'm sorry, Mark. Hindi kita maalala. Pero grabe, bakit ngayon mo lang 'yan sinabi? Well, nakakahiya."

"Bakit ka mahihiya? You did well. Pramis."

"So nang magkita tayo sa testing room ng Zhyx Media, namukhaan mo agad ako no'n?"

"Hindi agad. After mo pang umalis, saka ko palang na-realize na ikaw 'yung babaeng 'yun. Honestly, after you delivered that poem, matagal kitang hinanap. But then I never got the chance to see you again until you sold me your pen," natatawa niyang sabi.

Bahagyang namula ang mukha ko. Nakakahiya kasi binayaran pa niya sa'kin ang bolpen na 'yon. "But why is that—that you're looking for me?"

"Because I like you... and your poem. Your impassioned words have haunted me for years now. It's as if I already found my other half, and I just let her go. If you know what I mean."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Where stories live. Discover now