"Aalis na kami, kaya wag ka nang humabol pa nang suntok. Seryoso ako, Nicco. Wag mo nang hintaying kasuklaman kita" sambit ko dito

Hindi ko namang intensyong mas saktan siya. Pero I know Nicco, masiyado siyang matigas ang ulo at agresibo.

"Sa Condo ko na muna tayo dumiretso, gagamutin natin yang mga sugat mo bago pa yan makita ni Mommy Judin nang ganyan" sabi ko kay Dean

Tumango lang ito nang parang batang napagalitan. 

Habang nagmamaneho ay panay ang buntong hininga ni Dean, kapag naman titignan ko siya nang masama ay bigla itong iiwas nang tingin na akala mo ay takot na takot mapagalitan. 

Nang makarating kami sa condo unit ko ay pinaupo ko siya sa sala at kinuha saglit ang first aid kit ko sa kwarto. 

Naglabas ako nang Betadine at kumuha nang bulak. 

Inuna kong linisin ang sugat na natamo niya sa siko. 

"Ah, aray. Dahan dahan naman, baby" ani Dean

Kaya mas lalo ko pa diniinan, nakakainis kasi siya

"Aww! masakeeet pooo" reklamo nito

"Masakit? Talaga ba Dean Wong? kanina ang tapang tapang mo tas ngayon masakit masakit ka dyan!" sabi ko sa kaniya habang sinasadyang diinan yung punas ko sa sugat niya.

Sunod ko namang nilinisan yung sugat niya malapit sa labi.

This time, maingat ko itong nilinisan. Halos hindi ako makapag focus dahil sa lapit nang mukha namin sa isa't isa.

Kahit ba na angkin ko na yung labi niyang yan, at kahit ba minsan ko nang natikman yan, para bang gustong gusto ko pa rin matikman yan.

Gustong gusto ko pa din syang halikan. Nakaka-adik ang mapupula at malambot niyang labi.

Para itong pinagbabawal na prutas na kapag natikman mo na ay magkakasala ka dahil hahanap hanapin mo na siya lalo pagkatapos.

Hirap na hirap akong magfocus, kahit hindi ako tumingin kay Dean, alam kong nakatitig siya sa akin.

"Can you please stop staring?" sabi ko rito pero hindi siya sumagot

"Baby, alam kong pinagnanasahan mo na yung labi ko- awwwww!!!"

Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang idiin ko yung bulak sa sugat niya

Umatras ito habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang sugat at nakasimangot na parang batang nakatingin sa akin.

"Mapanakit" sambit niya

"Anong sabi mo??" masungit na tanong ko sa kaniya

Napalunok naman siya at tila kinabahan

"S-sabi ko, ang ganda mo po, kamukha mo si Mama Mary. Pwedeng akin ka na lang?" biro niya sabay ngiti nang nakakaloko

"Puro ka kalokohan. Gusto mong gapangin na kita dito ngayon?" sabi ko sa kaniya

Bigla kasi akong nakaisip nang... Alam niyo na hehe.

Ngumisi ako at napakagat sa ibabang labi saka malagkit na tumingin sa kaniya.

Bigla naman siyang napalunok at napatakip nang katawan.

"Jema, wait! A-ano kasi... V-virgin pa kasi ako" kinakabahan at mahinang sambit niya habang nakaakap sa kaniyang sarili

limang segundo kaming nagkatitigan... nang hindi ko mapigilang bumulahaw nang tawa. 

"HAHAHAHAHAHAHAH"

May the 4th Be With Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें