Nabuong Samahan

7 3 0
                                    

Nabuong Samahan

Nagsimula ang lahat na di tayo nagkaisa,
Sa atin ay may pagitan nagkaroon ng alitan,
Kahit na ganon paman ay may nakitang pag-asa,
Ganap na kaguluhan ay di natin hinayaan,

Sama-samang haharapin landas na tatahakin,
Samaha'y susulitin, ang Diyos ang tanging sasambitin,
Kabutiha'y pipiliin, sabay sa ating mithiin,
Mahirap mang abutin pangarap ay susungkitin,

Sinikap nating baguhin ang umpisa,
Nais nating magkaisa,
Pagkalipas ng mga buwan nagkaroon ng kalinawagan,
Pagsubok hinarap na magkasama mithiin ay magkaisa,
Sa paglalakbay walang maiiwan Iisa ang ating galawan,

Madadama mong di ka nagiisa, Pag asa ay mababasa,
Sa problema ay sasamahan, Isat isay gawing tahanan,
Buhay ay puno ng surprisa kaganapan ay natamasa,
Sa lahat ng pinagdaanan isaisip ang mga natutunan,

Nabuong samahan patungo na sa wakas,
Ngunit nais ng puso'y di tayo magkalimutan,
Napanalunang laban ay magsisilbing bakas,
Mga ala-alay ating iingatan

Authors Note:
This isn't the original piece. I kept it in my notes and I don't know if I'll publish it. This is actually a song. Our whole class are tasked to do a music video having an own composed song. Two of us actually composed the song. I was the lyricist and my classmates made the tone. We both brain stormed for the song and entered it in a competition. Fortunately our whole project recieved awards. This is a song specially composed for our section and our journey, so this piece is treasure.

Treasured StarsWhere stories live. Discover now