Kasarinlan Ng Mga Ibon

13 7 0
                                    

Kasarinlan Ng Mga Ibon

Balikan natin ang sinaunang panahon,
Tila tayo'y nakapasaloob sa isang kahon,
Maihantulad sa ibong nasa hawla,
Haraya lamang natin ang makawala,

Oras na laging umiiyak ang araw,
Akala natin na dugo ay malabnaw,
Kapayapaan ay parang suntok sa buwan,
Ganap ay labanan imbis na aliwan,

Bughaw na langit, sa mata'y makulimlim,
Natural na gabi-gabi ay madilim,
Subali't sa umaga ay ganun parin,
Sa sariling lupa tayo'y nadidiin,

Dumaong tinayuan 'di natatamasan,
Sa sariling bansa ay gustong lumisan,
Nag bilang ng mga bituin sa langit,
Katagalan, kasarinlan ay nakamit,

Bayan ay nasa perlas ng silanganan,
Mga Pilipino ay may katanyagan,
Naisilang na magiting at mahusay,
May iilan naman na sadyang may tangway,

Ngayon ay ang araw ng mga bayani,
Mga bayani na may pusong mabini,
Hangad ay kabutihan ng inang bayan,
Katiwasayan ang gustong masilayan,

Kaniya-kaniyang istilo ng pagsalakay,
Para sa bayan isinugal ang buhay,
Tila kayo ay may dugo ng agila,
Matatapag sa aming pagkakilala,

Kasapi ay pinakawalan sa lungga,
Taos-puso at tunay kaming napa hanga,
Kayo na ay bahagi ng kasaysayan,
Dahil sa lubos niyong pagmamakabayan,

Salamat sa inyong pagpupursigi,
Katapangan niyo'y 'di maitatanggi,
Sakripisyo niyo ay 'di malilimutan,
Sapagka't kalayaan na ay nakamtan

Treasured StarsWhere stories live. Discover now