Hakbang sa Pag Laya

9 6 1
                                    

Hakbang sa Pag Laya
(AMBAHAN)

Pag sama'y napilitan,
May ganap na alitan,
Hanggang sa nag ayawan,
Katagala'y iniwan,

Hakbang mo'y pabagalan,
Isiping 'di kawalan,
Huwag ka nang maguluhan,
Sarili'y pagsabihan,

Puso'y dapat ingatan,
Huwag hayaang masaktan,
Sarili'y alagaan,
'Di dapat pabayaan,

Dinadama'y pagbigyan,
Huwag masyadong hayaan,
'Di ka isang basahan,
Huwag kang maging luhaan

Treasured StarsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum