Lisyang Akala

46 26 1
                                    

Lisyang Akala

Sa aking dinadama,
Ako ay nangangamba,
Akala ko ito'y nag laho na,
Sapagkat ito'y halo-halo na,

Ako ay na gimbala,
Mga salita mo'y parang bala,
Puso ko ngayo'y kumakawala,
Na para bang may isang hawla,

Kay tamis ng iyong ngiti,
Pula'y gumuhit sa'king pisngi,
Tila ba ako'y nabingi,
Dati ko pa itong hiningi,

Ningning ng 'yong mata'y parang tala,
Nang di ko inaakakala,
Ako na ay na bahala,
Sa naramdaman kong babala,

Galawan mong kay wagas,
Tila ba'y walang bukas,
Samahan natin ay malakas,
Ngunit relasyon nati'y nag wakas,

Akala ko'y totoo ang iyong pinadama,
Nagkamali lang pala sa aking inakala,
Sana'y di nagpadala,
Sa munting kilig na dinadama,

Sana pala ako'y nakinig,
Sa aking hula at mga narinig,
Kaya ako ngayo'y nangingingig,
Na para bang nilalamig,

Puso ko ay pumipintig,
Para bang may munting himig,
Ako noon ay umiibig,
Sa taong may iba nang iniibig,

Saya ko ay biglang napawi,
Dimadama ko ay na hawi,
Puso ko ay nag hati-hati,
Ako ngayon ay sawing-sawi,

Mundo ko ay gumuho,
Puso na ay may buho,
Ugnayan nati'y parang luho,
Panahon na para sumuko,

Susuko na sa isang laban,
Na aking kinalaban-laban,
Sa taong aking nilabanan,
Ngunit di naman ako pinaglaban

Treasured StarsWhere stories live. Discover now