Amor Sa Lilom

10 2 0
                                    

Amor Sa Lilom

Sa patagong pag-ibig na ito,
Nagpapasalamat ako sa'yo,
Dahil sa'yo, ako'y 'di sumuko,
Sa panahong mundo ko'y gumuho,

Mata mo'y may ningning ng bituin,
Na wala sa plano kong sungkitin,
Ikaw na kaya ang siyang binilin?
Ng Panginoon para sa akin,

Alam kong 'di pa pwedeng ilahad,
Baka paghuhusga ay bubungad,
Ibigay mo sa'kin ang 'yong palad,
Isasama ka sa paglakad,

Nagsilbi kang liwanag sa dilim,
Pagmamahal mo'y aking damhin,
Kahit pagsasama ay palihim,
Ikaw pari'y aking mamahalin,

Ngunit nais ko sanang hubaran,
Ang tinatago nating samahan,
Ipakita ang pagmamahalan,
Para sa ating magpakailanman,

Subali't isapan ko'y nag bago,
Hindi ko ninais na magtago,
'Di na kayang umibig sa lilom,
Nais kong puso nati'y maghilom,

Pag ibig nati'y pansamantala,
Nadala sa lungkot na nadama,
Tatapusin na ang pagsasama,
Lilimutin na ang dinadama

Treasured StarsWhere stories live. Discover now