Damdaming Kinalawang

25 21 0
                                    

Damdaming Kinalawang

Samahan natin ay nasayang,
At parang may kalawang,
Para na akong nahihibang,
Puot sa puso'y naisilang,

Parang naka kulong,
Sa isang bulong,
Na puno ng bubong,
Kaya napasigaw ng tulong,

Tila lumulutang sa alon,
Pinipilit na umahon,
Gusto nang bumangon,
Ngunit parang nilalamon,

Kadiliman ang aking nakikita,
Naalala ang mga salita,
Para kang isang makata,
Ang galing ding kumanta,

Sapagkat ikaw ay paasa,
Ako ay iyong pinaasa,
Ako naman ay umasa,
Kahit wala namang pag-asa

Treasured StarsWhere stories live. Discover now