Alipin sa Hangin

29 21 0
                                    

Alipin sa Hangin

Ako ay parang hangin,
Sa iyong mga paningin,
Kahit walang nakatip na lampin,
Di parin napapansin,

Ang sakit lang isipin,
Na di ka pwedeng mapasakin,
Sa iba ka naka tingin,
At ni kailan di napunta sakin,

Ako'y isang alipin,
Malabong ako'y piliin,
Ayaw kitang sisihin,
Sitwasyon na'y di pahihirapin,

Di na lang iisipin,
Di na rin sasabihin,
Di mo naman mamahalin,
Di mo din papangarapin,

Sana ay naging pagkain,
Para ako nana ay hahanapin,
Sarili na ngayon ay patahanin,
Naramdaman ay pahupain,

Napabigkas ng awitin,
Himig ay dadamhin,
Dinadama ay sarilinin,
Kahit gusto ko nang sabihin

Napatingin sa salamin,
Katotohanan ay harapin,
Gusto ko lang bawiin,
Ang puso kong nabitin,

Sarili ko ay hahanapin,
Puso ay tatahiin,
Mga sakit ay pahilumin,
Sarili ay mahalin,

Ayaw ko man pero sisikapin,
Ugnayin natin ay putulin,
Di mo rin naman pansin,
Ang laman ng aking damdamin

Treasured StarsWhere stories live. Discover now