CHAPTER 28

1.9K 27 0
                                    

Sunod sunod na ang tulo ng luha ko nang maabutan kami ni Kylie. Hinaplos niya ang likuran ko nang hindi ako kumalma sa pag iyak. The history repeats itself and it's more painful right now. I trusted again the person I knew I should not trust anymore. He's enjoying from breaking me into pieces over and over.

Tinanong ko si Kylie kung totoo bang engaged na si Alessandro. Matagal pa siyang hindi nakasagot at um-oo din ito sa huli. Akala ko sinisiraan lang siya ni Louissa saakin but now I confirmed it. Malapit si Kylie kay Alessandro and she knows the truth. She knows it if Alessandro's engaged.

"Sorry, Angelina." Bulong niya habang hinahaplos ang likuran ko at pinapatahan. She's sorry because she should've said that to me when she saw that I was with him. Kahit na tinatarayan ko siya dapat tinanong niya ako kung anong papel ko sa lalaking yun para isama sa beach house kahit na may fiancee na ito.

Pakiramdam ko pumunta ako dito para hayaan silang pagkaisahan ako, paglaruan ako at gawing tanga. Alam nilang lahat syempre. Lahat na kasama namin dito ay alam na may fiancee na si Alessandro. Louissa even showed me some pictures where Alessandro's infront of the crowd with a woman beside him.

They said, that's the engagement party. Para akong dinudurog ng paulit ulit. Hindi ko iyon matingnan ng maayos. Marahas kong pinunas ang mga luha sa mukha ko. Mas lalo ko lang kinakawawa ang sarili sa pag iyak iyak at pananatili dito. Hindi na ako nagtagal pa doon sa harap nila, tumakbo ako pabalik sa taas. I need to leave this place after I get my real purpose here.

Nagkulong ako sa kuwarto ng ilang oras. Nakatulala sa may dingding. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas nang makarinig ako ng ingay mula sa baba. Inayos ko ang aking sarili nang makarinig ako ng yabag papalapit sa kwuarto. It's him. Gusto ko pa sanang umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag ngayon. Wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko kaya hindi ako dapat na panghinaan ng loob kahit na harapin siya.

"I have a surprise for you before we go back to Rasa Island" he said when he entered the room. Walang kaemo emosyon ang mukha ko na tiningnan siya. "You okay?" Nagulat ata siya sa pamumula ng mukha ko at namamaga kong mata galing sa pag iyak.

"Can I get my forty million peso?" Wala na dapat akong balak na kunin yun. Because I thought we're real. I thought it's already real. The fact is that, our moments within the short period of time was priceless. I won't let him pay me because I was happy too, I loved it too but if he's just fooling around, then let it be. I'll be the greedy one to get back to him.

"Is it still about the money. You're staying because of money?" sumeryoso ang kaniyang mukha. His jaw clenched and his grey eyes stares mine that feels so hypnotizing, I wanted to avoid his gaze but I never did. I need the courage today.

"Yun ang pinunta ko dito. Pera. Now if you won't pay me for the three days I spent with you—" hindi ko matago ang galit sa boses ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

"I'll give you the damn money. You really don't need me, do you? It's just the fucking money" kitang kita ang pamumula ng kaniyang mukha at mga mata sa galit din na lumulukob sa kaniya. Nasasaktan ba siya na hindi naman talaga siya ang dahilan kung bakit ako nagse-stay at kung bakit namin yun ginawa kagabi?

Well probably I hit his pride and ego. He had to kill me for bringing me here but he couldn't believe it that it's killing him just the same.

"Isn't it obvious?" Napailing iling siya na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Inihilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha at tinalikuran ako. He's frustrated, and I'm broke.

Tahimik niyang kinuha ang kaniyang cheque at pinirmahan ito. Tumataginting na fifty million ang nakalagay doon. Walang emosyon ang kaniyang mukha na iniabot ito saakin at ni hindi ako tiningnan, kaagad ko itong kinuha sa kaniya at nagmartsa palabas.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now