CHAPTER 21

2.3K 30 0
                                    


"Miss owner is here. Damn di ka nagkamali, Morelli. Ang ganda nga at smexy" Sabi ng isang lalaki na katabi nung Dylan. Binalewala ko na lang sila habang nilalapag ko sa table ang tatlong boteng hawak ko.

"You have no right to say that, Royce infront of me" walang emosyong sabi ni Alessandro. Pasimple akong umirap sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sakaniya. He looks more matured now and his whiskers grew a bit on his face. But he's still that damn good looking. Gusto kong pektusan ang sarili sa naiisip at kaagad na nag iwas ng tingin.

"Here's your order Bourbon whiskey. The total bill for the drink is 5,100 pesos."

Bumunot ng wallet ang big time na si Morelli at binigay saakin ang kaniyang card.

"Sorry. Don't you have some cold cash, sir?" I emphasized the word sir to mock him.

"No ma'am" the devilish smirk on his smug face is playfully flashing. Gusto kong hablutin sa kamay niya ang card sa inis pero nagkontrol na lang ako at naging mas mabait pa dahil customer namin sila. Baka layasan kami ng mga customer kapag hindi ako nagpigil dito.

"I'll be back"

Napasipol sila nang tumalikod ako.

"So gorgeous"

"Shut up Royce" he said with an authorative voice. Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis ko doon.

Nagtama ang paningin namin ni kuya Reynold na mukhang nag aabang saakin kanina pa. Lumapit ako sa kaniya at bumuntong hininga.

"Yun yung sine senyas ko sayo kanina" napakamot siya sa kaniyang kilay habang pinanonood ang reaksyon ko ngayon. Grabe pa rin ang kabog ng dibdib ko hanggang dito. Kinakabahan pa rin ako kahit ilang taon na ang lumipas. The last time I saw him was on that beach. Wala na akong balita sa kaniya after I left that day.

"Malay ko ba na makakaabot yun dito" mataray kong sabi. Tsaka kahit alam kong sila ang nagpapapunta saakin doon kanina ay pupunta pa rin ako. Baka isipin niyang apektado pa rin ako o kaya takot ako sa kaniya. Damn him. I was just shocked and I didn't expect him to be here

"You know him. He has many ways when it comes to you" ngumisi siya at tinaasan ko lang ng kilay. Is he trying to push me to him? I don't know but it sounded more like that to me.

"Tsk. Five years have passed, so" I shrugged as if I am referring for the five years I was in America and he did nothing to look for me. I wasn't hoping at all but since he mentioned about that 'he has many ways when it comes to me' that I bet just a lie. Baka may business lang dito at napadaan. Knowing him and his group of friends, they are all engaged at fun and party. It's part of their luxury lives.

Nagpaalam na ako kay kuya Reynold. I went to my office to scan his debit card and get the exact amount he has to pay for bills. Napasinghap pa ako sa laman ng kaniyang card. Pang bar niya pa lang ata ito sa yaman niya. If I were him I would never waste my money for this. God pinaghihirapan ang pera hindi pinupulot tapos isang gabing party lang, goodbye money na. Mga mayayaman talaga. Mayaman din naman ako dati pero ngayon natuto na akong magtipid.

Maglalakad na sana ako pabalik sa mayayabang I mean mayayaman na nasa VIP nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako nang makita ang pangalan ni Cherry. Akala ko tulog na ang babaeng ito.

"Hello?"

She's not talking

"Cherry? Anong kailangan mo?"

I heard her small sobs. Nataranta ako at di na nag isip pa ng kung ano. I grabbed my shoulder bag and ran towards the exit of pub.

"Anong nangyari?" Puno ng pag aalala ang boses ko. Halos matapilok pa ako sa suot kong stilletos sa pagmamadali na makalabas. Lintik mababalian pa ako ng buto sa paa.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now