CHAPTER 10

2.6K 56 0
                                    


Warning!!

It's a new sunny Monday. Busy ang lahat sa mga  school works na need i-accomplish before the semester ends. Yung iba naming kaklase ay abala sa pagtapos ng marketing plan at PowerPoint. Bukas na kasi ang presentation namin doon. Kami ay chill na lang at nag uusap usap na lang dito since tapos na namin yung saamin. Pasalamat lang talaga at nandyan si Alessandro kung hindi ay baka mag cramming kami sa dami at hirap ng mga ginagawa. Damn business course.

"Tapos hiningi na ni Reynold yung number ko tsaka parang at that moment may mutual understanding na kami at mutual feelings. Nakipaghalikan ako sa kaniya. Eh bakit ba, ang sarap ng pinsan mo Anj" kuwento ni Lea. Bahagyang napangiti si Razelle samantalang napangiwi naman ako. Kanina niya pa ako kinukurot sa sobrang kilig.

"Saan ka niya pinahiga?" Nakatawang tanong naman ni Trina. Humalakhak si Lea at napahawak sa kaniyang pisngi. Parang tanga.

"Wala pang ganun. Grabe ka girl. Bakit pinahiga ka ba kaagad ni Brixx?" Tumawa na naman siya ng pagkalakas lakas.

"Hindi, gaga. Laplapan lang kami. Saan naman kami dun hihiga?"

"Oh. So may balak nga humiga"

Sinalpak ko na lang earpods sa tenga ko at nakinig ng music ni Taylor Swift. Kaysa marinig ko ang mga pinag uusapan nila kung anong mga ginawa nila ng dalawa kong pinsan. Grabe din kina kuya Reynold at Brixx. That was fast. Akala ko maaarte talaga sila. Nakakita lang ng magagandang Manila girl na interesado sa kanila ay bumigay kaagad.

Ganun din ang ginawa ni Razelle. Kinuha niya rin ang kaniyang earphones at tumitig sa may labas ng room. Kami talagang dalawa ang magka ugali dito. Wala siyang kainte interes sa kung anu mang kinu kuwento ng kaibigan. Tiningnan kami nina Trina at Lea at sinamaan kami ng tingin. Ngumiti lang ako kasi wala akong marinig sa kung anong sinasabi nila.

Hindi na din ako naka receive ng tawag o ni text galing kay Alessandro. I thought he's gonna call or text this morning. Hindi ko naman pala siya jowa. Umasa ako na mag go-good morning man lang siya. Nakaka disappoint lang kasi wala naman akong natanggap mula sa kaniya. Gusto kong magtampo pero may karapatan ba ako?

Dumating ang professor namin at nagleksyon lang ng konti pagkatapos ay nagbigay na naman ng activity. One hour naming pinagkaabalahan iyon at mabuti na lang nakapasa naman kami on time. Umayos ulit kami ng upo after minutes pumasok si Prof Sanchez. Siya yung teacher namin sa marketing plan. Pinaalala kami na be ready for tomorrow's presentation at since matagal tagal ng binigay samin yun she's expecting the best presentation from us.

Lalo akong kinabahan dun. Isasama din daw niya yung pinsan niya as a panelist dahil may alam yun sa business kaya dapat lang daw na mag ready kami. Napag usapan namin nina Razelle na magpapa snack kami. Iyon din ang plano ng iba naming kaklase nang malamang hindi lang si Prof Sanchez ang magju judge saamin.

4 o'clock nang napagdesisyunan na naming umuwi dahil wala naman masiyadong leksyon puro activities lang ang binibigay. Pumunta muna kami sa mall para bumili ng puwedeng ipa snack bukas.

"Ano bang pwede?" Nasa gitna kami ng grocery store at wala pa ring nabibili.

"Cake na lang kaya with milk tea. O mag order na lang tayo sa cafe" suggest ko.

"Sige. Para hindi na hassle saatin. Ikaw na mag oorder anj?"

"Sige. Ipapahatid ko na lang bukas sa school"

"Great. Pumunta pa tayo dito. Just wasting time" mataray na sabi ni Razelle.

"Maglaro na lang tayo sa timezone para di masayang effort natin papunta dito"

Ayaw nga sana sumama ni Razelle pero napilit din nina Trina. Nakakainis yung claw machine parang ang sarap basagin ng salamin para makuha ko yung little stitch. Nag video oke na lang kami at basketball. Naubos namin yung iba't ibang palaruan doon hanggang sa magsawa kami. Alas sais ng gabi na kami natapos at lumabas na kami ng mall. Nagpaalam na ako sa kanila dahil kanina pa naghihintay sa labas si manong driver namin.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Kde žijí příběhy. Začni objevovat