CHAPTER 3

2.8K 53 0
                                    


"Lolo. Kumusta po ang pakiramdam mo?" Tumabi ako kay lolo na nakaupo sa may couch sa sala. Hindi pa daw sana nila ilalabas si Lolo sa hospital ngunit nagpumilit na itong umuwi.

"Ayos lang apo. Normal naman na iyon saakin na atakehin ng high blood. Sanay na ako"

"Lolo hindi normal yun. Delikado po ang hypertension. Dapat po umiinom ka ng gamot"

"Ayaw makinig ni papa samin" si mommy naman. Nakatayo siya at nakatanaw samin. Kina auntie ay nakaalis na bago pa man kami dumating.

"Naku Crisostomo. Kahit ngayon lang ay makinig ka naman muna saamin. Kalusugan mo lang ang iniisip namin" dugtong naman ni Lola.

Nanatili muna ako sa bahay nina Lola. Si mommy ay nagpasama kay daddy para bilhin ang mga gamot at mga pagkain ni Lolo. Marami kasing pinagbawal ang doctor na pagkain lalo na ang karneng baboy at manok. Madalas pa naman daw iyon ang kinakain ni Lolo kaya siguro lumala yung hypertension niya. Masiyado kasing binalewala yung kalusugan.

Naligo ako sa kuwarto na inuukupa ko. Kwarto daw ito ni mommy nung kadalagahan niya. Marami pa siyang mga damit dito na kasing size ko lang. Sinuot ko yung spaghetti strap top at cotton short shorts. Para presko sa katawan. Pagkabihis ko ay bumaba ako para kumain.

Sakto naman na nagluluto ng meryenda si Lensly. Ang kasambahay nina Lola na batang bata pa. Mukhang early 20's lang. Kaya pangalan niya lang ang tawag ko sakaniya.

"Anong niluluto mo?"

"Lugaw po ma'am. Ito kasi utos ni madam Priscilita. Kumakain po kayo nito?"

"Oo naman." Nakangiti kong sabi. Naupo ako at pinanood siya sa kaniyang niluluto. Mukhang nailang naman siya sa ginawa kong panonood. Hindi din siya komportable na kausapin ako. Siguro dahil minsan lang din kasi ako magsalita tuwing nandito ako at hindi ko naman sila kinakausap. Baka iniisip nila na maarte ako.

Kumuha siya ng mangkok at nilagyan iyon ng lugaw at nilapag niya ito sa harapan ko.

"Salamat" ngumiti din siya pabalik.

Dahan dahan ang ginawa kong pag subo sa lugaw. Mainit pa kasi at infairness ang sarap pala ng lugaw.  O sadyang masarap lang talaga magluto si Lensly kaya siya ang paborito ni Lola na tagaluto nila rito. Nagpaalam saakin ang kasambahay para ihatid sa kuwarto nina lolo ang pagkain. Tumango lang ako. Pinalamig ko muna ang pagkain para mas mabilis kong makain.

Naalala kong may gagawin pa pala ako. Mamaya tatawag o mag cha chat na yung mga kagrupo ko para sa update kung ano ng nadagdag ko. Na excite pa naman ako kanina na maglalakad lakad ulit ako sa labas. Kailangan na naming maipa check ang marketing plan dahil malapit na ang presentation namin dun. Kinakabahan na nga ako. Baka magisa kami sa unahan.

Tumayo na ako para ilagay ang pinagkainan sa lababo. Naglakad na ako pabalik sa kwarto para matapos ko na iyon. Sa hallway ng ikalawang palapag ay may narinig akong kakaibang tunog. Dala ng kuryusidad ay inatras ko ang paa ko at bumalik. Sinilip ko ang isang kwarto na may siwang at bahagyang naka bukas. Ang alam ko ay kina Lolo at Lola lang ang narito at nasa baba ang kanilang kuwarto.

Dahan dahan kong tinulak ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Natutop ko ang bibig ko at gusto kong tumakbo at tumalikod pero parang nag magnet ang paa ko dito. Nakaupo lang naman si uncle Alessandro sa isang single couch habang nakaluhod sa harapan niya si auntie Clari. Nagtataas baba ang kaniyang ulo at nakasubsob sa ibabang parte ng katawan ni uncle. Nakahawak sa buhok niya si uncle na parang gina guide ang pagtaas baba ng kaniyang ulo.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang tumingin sa direksyon ko si uncle. Hindi man lang ito natinag. Tinitigan niya ako ng nagbabaga niyang mga mata. He smirked using his usual devilish smile. Nanginginig kong ginalaw ang mga paa ko at tinulak ang sarili ko na makaalis doon. Ano ba yung pinasok ko. Mas natakot pa ako sa isiping nakita niya ako. Nakita niya ako na pinanonood ang ginagawa nila.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now