CHAPTER 5

3.2K 45 0
                                    


Hindi na ako bumalik kina Lola nang mag uwian kami ng hapong iyon. Hindi ko na siya kayang harapin pa. Wala na akong lakas ng loob na magpakita pa sa kaniya. Lumipas ang magkasunod na linggo na inabala ko ang sarili sa dami ng paperworks at recitation samin halos araw araw. Dahil dun ay na occupy ang utak ko sa dami ng activities na naka line up sa to-do lists ko na nakadikit saking kuwarto.

Pag may freetime ay nakikipagkita naman ako kay Ariel. Nagde date kami at pumu punta kung saan saan. Mas naging sweet ako sa kaniya. Kung dati ay siya ang laging nag iinitiate ng sweet moves ngayon ay sinubukan kong magpaka sweet. Binabagabag ako ng konsensya sa nagawa ko. Napakabait na boyfriend ni Ariel at iyon lang ang isusukli ko.

Naisipan ko ding magpasalon at magpagupit ng wolf-cut. Napuri pa ako na lalo daw gumanda at bumagay sa payat kong mukha at maputi kong kutis. Hinayaan ko rin ang sarili ko na lumabas sa hawla. Mas lalo kaming naging magkaka close na tatlo nina Trina, Lea at Razelle.

Niyaya ko pa sila at nilibre ng ticket sa concert ni Taylor swift nung saktong nagka concert ito sa Japan. Asia lang kaya pinayagan naman ako agad ni mommy dahil sinama ko yung tatlo kong kaibigan. Mas lalong kinatuwa ni mom dahil sa wakas daw ay nakatagpo na ako ng kaibigan sa school.

Inimbita kami ni Razelle sa kaarawan ng kapatid niya na ginanap sa isang beach sa Palawan. Saktong wala kaming pasok kaya nakasama na naman kami. Nakapag suot pa ako ng swimsuit at nagpicture pa kami sa buong beach. Tuwang tuwa kami sa magandang experience habang pauwi ay excited kami sa kaniya kaniyang post sa social media. I posted my solo pics. Some wearing a long cardigan beach covering my body and some are my bikini photos with different pose.

It was just a second ago I posted my photos when a man named Alessandro Sebastian Morelli reacted to all of my pictures one by one. That fast. I won't be shock if he's zooming all of my bikini photos. Marami pang notification ang dumating, he reacted to my posts months and years ago. Damn stalker.

Nang makabalik kami sa Maynila ay back to reality na naman. Pinagpatuloy ang pending worksheets at lahat ng activities. Nagtulungan kaming apat sa ibang individual activity namin sa ibang subject. Dahil dun ay mas naging madali naming natapos sa pag she share ng idea. At that moment I've realized that having friend isn't that bad. Masayang magkaroon ng kaibigan. May tumutulong sayo kapag hindi mo na kaya. May magre remind sayo tuwing may nakakalimutan kang gawing assignment sa dami ng ginagawa.

Nandiyan din sila at nag aalala kapag hindi na ako halos kumakain at nagbababad sa library para mag aral. Kung dating wala pa akong kaibigan ay walang may pakialam kung lumipas ang araw na wala akong kain. Malayo pa naman parati sakin si Ariel at hindi sa lahat ng oras ay magkatext kami. He's so busy and don't have time for texting. Puro sila reporting at thesis.

We have three hours vacant at sa halip na magliwaliw sa labas ay sa library ang tambayan namin. Kaniya kaniyang sulat. Habang pinagpapahinga ko ang kamay ay kukunin ko naman ang cellphone para mag scroll sa social media. Madami na akong reactor sa mga post ko lalo na dun sa bikini photos ko. Madaming papuri at ang iba ay nagtatanong kung may boyfriend na ba ako. Inignore ko na lang at wala sa sariling na tap ang pangalan ni uncle Alessandro. I tried to stalk him.

His profile picture is just a stolen shot of him riding a jetski. But it has thousands of reacts. Saan kayang lugar ito? Sobrang ganda at mala kristal sa linaw ang dagat. I-scroll ko na sana pababa ang fb account niya para ma stalk siya nang maagaw ang pansin ko ng kaniyang cover photo. I tap it to see it properly. It was just a blurry picture of a girl sitting inside the kiosk alone. She's wearing a familiar uniform. Parang ako ito ah. Binago ko man yung hairstyle ko but I can still recognize my own former hairstyle. It's a plain straight long hair.

I proceed to the comment section. Karamihan ay nagtatanong kung sino daw ba iyon. Wala siya ni isang ni reply-an doon. May isa namang nagsabi na 'ang bata pa niyan oy'. Wala ba siyang pakialam sa mararamdaman ni auntie Clari kapag nakita niya ito? Matagal na rin niya itong inupdate. Weeks ago. Hindi ako assumera dahil kilala ko ang sarili ko. Ako yun. Bakit niya naman ako gagawing cover photo? All I know is that he's been lusting after me. Just full sexual desire that's why I'm keeping my distance far from him because I think I feel the same way. And it's not right.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum