CHAPTER 13

2.2K 38 0
                                    

I made an excuse to my parents that these consecutive weeks will be hefty and I'm having some hectic schedule, so I need to sleep with my friends to finish all the tasks since finals are waving. Agad naman silang pumayag dahil nakiusap ako kina Trina na um-oo kapag tinanong nina mommy.

Pero ang totoo ay gusto ko lang umiwas. Ayoko na munang mag cross ang landas namin ni Alessandro. I even saw him at the university, looks like he's waiting for someone. Buti na lang hindi niya ako nakita kaya nakatakbo kaagad ako palayo at pauwi. He keeps texting and calling me. Saying sorry about what he did. Pero ayoko na maging marupok. Kailangan ko na umiwas bago pa lalong lumalim ang nararamdaman ko. This is not right. I knew it from the beginning pero parang ngayon lang ako nagising.

Tumutuloy muna ako kina Trina dahil sa kanila ang  available na puwedeng makitira. Nahihiya nga ako pero kinapalan ko na ang mukha ko. Hindi kasi ito alam ni Alessandro. He'll never find me here. I don't even think that he's looking for me though. Bumibisita din dito si Ariel dahil sinabi ko sa kaniya na dito muna ako tumutuloy. He didn't ask some further questions about what happened last time. Nag sorry siya sa nagawa niya at nag sorry din ako.

He didn't ask about that man who claimed that he owned me. Bumalik lang kami sa dati at nagpanggap na parang walang nangyari.

Masiyado kaming naging busy at medyo nabawasan din ang mga iniisip ko na kung anu ano dahil okupado na ang isip ko sa dami ng pinapagawa sa finals. Konting push na lang at patapos na ang second semester namin. Nag iisip na ako kung saan ako pwedeng mag bakasyon. Alam ko naman kasing hindi naman magba bakasyon kina mommy at daddy dahil sa sobrang busy nila sa business.

"San mo gusto mag bakasyon?" Tanong ni Ariel saakin. Ako lang tinanong niya kahit nandiyan ang tatlo kong kaibigan sa harapan namin. Tumikhim si Trina at Lea samantalang si Razelle as usual, simangot at tahimik lang sa gilid.

"Pwede sama kami?"

"Sure. Sa beach sana. Pili muna tayo kung saan" Ariel said while he's playing with my fingers. Napatingin ako kay Razelle na kanina pa pinapanood ang mga kamay namin ni Ariel. Okay lang kaya siya? Madalas naman ganiyan ang mood niya pero parang iba ang emosyon na nakabalatay sa kaniyang mga mata ngayon. I can see the pain quickly passed through her eyes.

Nagseselos pa rin kaya siya hanggang ngayon saamin? I thought she's over with him. Since matagal naman na silang wala. Sabagay paano ko naman iyon malalaman kung sarili ko lang iniisip ko? I'm really the kind of the self-centered person. Never care about whose I'm gonna hurt as long as I get what I want. While everybody's praising me for being a kind, innocent, soft-hearted and silent person but little did they know that I'm only hiding the fire inside me.

Dahil sa mga naiisip ko ay binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Ariel. Tiningnan niya ako ng nagtataka pero nagkunwari lang akong kumakamot sa batok and even check my fingers para hindi na niya mapagdiskitahan.

"Kumusta kayo Lea ni Reynold?" Tanong ni Trina. Sumimangot naman bigla si Lea at mabilis na napalitan ang mood niya nang nabanggit ng kaibigan namin ang pangalan ng pinsan ko. Oo nga, hindi ko sila masiyadong natatanong tungkol sa status nila ng mga pinsan ko. Well like I said, I never cared about people around me. I'm a self-centered.

"He broke up with me. Sa una lang talaga magagaling ang mga lalaki" the sadness on my friend's eyes are visible. I was shocked. Since I have no idea about that.

"Hoy huwag mong lahatin" kontra naman dito ni Ariel. Nandito kami sa may kiosk malapit sa building namin. Walang masiyadong pasok na kina Ariel dahil almost done na sila kaya madalas siya ditong tumatambay sa college of business para sumama saamin kapag free din kami.

"Talaga ba Ariel?"

"Oo." Tiningnan nila ng sabay sabay ang tahimik na si Razelle na nag iwas lang ng tingin. To cut the tension and awkward atmosphere, I speak up.

"Ang kapal talaga ni kuya Reynold kahit kailan. Sabi niya seryoso na siya sayo" I said to Lea.

"Wala eh. Ayaw niya daw ng LDR. Ito din namang si Trina at Brixx ay hanggang ngayon wala pa ring label. Break na nga kami ni Reynold, sila wala pa ring name kung ano sila. Nakoo Trina. Mga walking red flag yang mga pinsan ni Angelina" natatawang sabi ni Lea. Nakitawa din ako kahit natamaan sa sinabi ni Lea. Kahit ako ay walking red flag din.

"Sabi ko na sainyo eh. Huwag yung mga yun"

"Eh sa guwapo eh. Nakakapanghina kaya kapag nilandi ka ng guwapo at hot" Sabagay. Lea's right. Ako ngang may jowa na, nagpalandi pa rin sa guwapo at hot na may asawa na. That's more unacceptable and unbelievable, in my case. I wonder what's gonna be their reaction if they figured out what I just did.

"True" Trina agreed. Napairap lang sa kanila si Razelle. She's not talking but she's listening to them.

"Anong iniirap irap mo diyan Razelle? Kuwento ka naman ng lovelife mo oh. Nakatikim kana ba?" Nagtawanan si Lea at Trina at lalong sumama lang ang timpla ng mukha ng kaibigan namin. Tahimik na nga tapos inaasar pa.

Pasimple kong sinaway ang dalawa dahil halatang hindi natutuwa si Razelle. Alam ko yung feeling na binibiro ka, na masama sa loob mo. That's not nice.

Tumikhim naman sila ng sabay at nag change topic naman. Tungkol sa pinaplanong swimming-vacation this summer. Halos sina Trina, Lea at Ariel lang ang nagsasalita. Sumasabay naman ako kapag may gusto akong I suggest o kaya ay nagtatanong sila. Hanggang dun lang. Samantalang si Razelle ay never talagang nagsalita. Nakikinig lang siya at walang kaemo emosyon ang mukha.

Sa tuwing aabutin ni Ariel ang kamay ko ay gumagawa ako ng paraan para maiwasan iyon ng hindi niya nahahalata. Masiyado na akong namumuro sa kakapanakit ng ibang tao. Not physically but emotionally. Is this my only role here? To hurt somebody silently?

I smiled at Razelle when she found my eyes. Probably she noticed that I'm avoiding my boyfriend's hand. Maybe she's wondering what I'm thinking. She smiled barely. Pagkatapos ng medyo mahaba habang usapan ay nag desisyon na kaming magsiuwian. Gusto ko na din magpahinga at mahiga dahil kahit wala kaming masiyadong pasok kanina ay nakakapagod pa rin.

Sobrang napagod ang isip ko kakaisip ng kung anu ano. Parating naglalakbay kung saan saan. Maya't maya naman ang pagte text ni mommy, nangungumusta at nagtatanong kung anong ginagawa ko. She's as caring as that. Kahit na busy siya kapag alam niyang wala ako sa bahay ay hindi matatapos ang araw na hindi niya ako tatadtarin ng text.

Nagpaalam na si Lea at Razelle saamin. Si Ariel naman ay kinabig ako para yakapin. Hinalikan niya ang noo ko at parang ayaw pa ako bitawan. Medyo nahiya ako dahil alam kong nandiyan ang kaibigan kong si Trina at naghihintay saakin. Niyakap niya ako ulit ng mahigpit kaya yumakap ulit ako pabalik, sinandal ko ang baba ko sa kaniyang balikat.

Kaya't napatingin ako sa may likuran naming bahagi. Nakita ko sa may tapat ng kiosk malapit sa school parking lot si Alessandro kasama si auntie Clari. They're busy talking but he is now looking at me. God, he saw me. His eyes are cold as he watched me hugging my boyfriend. Kaagad ang pagkalas na ginawa ko kay Ariel at mabilis na hinila palayo doon si Trina para makahanap kami ng sasakyang Jeep pauwi sa kanila. Damn it.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now