CHAPTER 7

2.6K 46 0
                                    


"Talagang isasama mo kami sa Tanay, Rizal?" Gulat pang tanong ni Lea. Inimbita ko kasi sila sa paparating na kaarawan ng pinsan ko. Nagpaalam naman na ako kung maaari kong isama ang mga kaibigan ko. Pumayag naman kina Brixx at natuwa pa nga dahil sa wakas daw ay may kaibigan na ako. Same reaction as my mom.

"Isasama mo si Ariel?" Takang tanong naman ni Trina. Napatingin naman sa gawi namin si Razelle na kanina'y abala sa kaniyang cellphone. Lumingon siya saamin nang nabanggit ang pangalan ng boyfriend ko.

"Oo sana. Inimbita ko kaso may pasok daw silang sabado. Pero try niya daw kapag natapos kaagad" malungkot kong sagot. Ariel's not always free these past days but I do understand it cause he's a graduating student.

"Ikaw Razelle sasama ka?" Kinalabit ito ni Trina at nag isip isip muna ito. Kung tahimik akong tao ay mas tahimik siya saakin. Kung wala lang talagang Trina at Lea ay baka napanisan na ako dito ng laway.

"I'll try. Baka kasi hindi ako payagan"

"Bakit naman? Uuwi lang naman daw kinaumagahan"

Nagulat pa ako nang sabihin nilang wala pa silang PowerPoint na nagagawa kasi nasira yung laptop ni Lea. Kaya napagpasiyahan namin na magdadala na lang ako ng laptop at kung may time ay doon na namin gagawin. Next week na kasi iyon. Sabado na ngayon at mamayang hapon na kami tutulak papuntang Rizal. Halos hindi na sila nakikinig sa professor na nagsasalita sa unahan dahil yun ang topic na pupuntahan namin mamaya.

They were too excited. Sinabi pa ni Trina na excited na siyang ma meet ang pinsan ko. For sure daw ay guwapo ito dahil maganda ako. I'm not sure kung matipuhan nila yung mga pinsan ko once na mameet nila iyon. Sa mother's side ko kasi sila pinsan at kay daddy ako nagmana ng mukha. Daddy is one fourth Spanish. My Lolo in my father's side is a half Spanish kaya malakas yung dugo ni dad. Madalas din akong mapuri sa ganda daw ng mukha ko. Pero maganda din naman lahi nina mommy.

"Kamukha mo ba sila?"

"Uh.Not really."

"Hindi mo kamukha? Oh sayang" napanguso si Trina at tinawanan ko na lang siya.

Umuwi muna ako nang bahay pagkatapos ng half day class namin. Naabutan ko pa si mommy na may kasagutan sa phone. She looks mad. But then I remembered that I told her what happened to me when I visited Rizal last Thursday. Ayoko na nga sanang magsumbong kasi alam kong magagalit talaga siya pero gusto ko lang naman na mapagsabihan niya si auntie Clarita kasi baka ulitin niya pa iyon. Lagi pa naman kaming bumibisita doon.

"You attacked my daughter, Clarita. You're way older than her! She's too young and you just gave her a traumatic experience! You should've told her in a nice way whatever your problem that is! That's what grown woman should do. You're so immature. I don't know if your brain is already made or it's still underdeveloped."

Ayoko ng makita ako ni mommy kaya dali dali na ako sa pag akyat papuntang kuwarto ko. Hays. Nagsisisi na naman akong sinabi ko pa. I'm being childish again. Sumbungera pa rin. Binigyan ko pa ng sakit ng ulo si mommy. Hays. Nakapag alam na ako sa kaniya kahapon na pupunta ako ngayon ng Rizal para sa kaarawan ni Brixx. Nag aalala pa siya na baka sugurin naman ako ni auntie Clari.

I assured her na wala doon si auntie Clari. Since sinabihan ko si Brixx na ayoko makita si auntie. Sabi niya naman daw ay sa may Daranak Falls kami magce celebrate. Nagdala na daw sila ng mga gagamitin namin para sa overnight. Tsaka hindi niya naman daw inimbita si auntie Clari. I told that to mom until I convinced her to let me go to my cousin's birthday celebration.

It's already 1 in the afternoon so I packed my personal things and put it in my small bag. I wore my favorite purple see through bikini. My boobs is markedly as well as my butt. Okey na ito kami kami lang naman ang nandun.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now