CHAPTER 43

10.2K 292 97
                                    






Two days to go birthday ko na, again tumatanggap po ako ng regalo at ng cake😆 Thank you in advance😗


Leon Dela Vega and The hottie Tambay is now on going on patreon and vip group, dm me how to join.








"Oh my god, oh my god Eros!" Agad napahawak si Sienna sa braso ni Thalia at napatingin sa asawa na nasa likod niya ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. At kita niya kung kanino nanggaling 'yon, walang iba kung hindi sa lalake na nasa lobby din ng ospital na mukhang inaabangan din talaga ang paglabas nila. Ngayong araw kase ang labas ng anak nilang si Nicollo sa ospital at bawat hakbang nga niya kanina mula sa elevator ay napaka-bigat na no'n dahil natatakot siya sa puwedeng mangyari sa kanila at nagkatotoo nga ang lahat! Inabangan talaga sila!

Agad natumba si Eros sa sahig matapos niyang maitulak pakaliwa ang wheelchair ng anak na si Nicollo, he was shoot on his chest at ramdam na ramdam niya 'yon mula sa suot na bulletproof vest kaya napapikit siya. Pero mukhang hindi lang pag-pikit ang mangyayari dahil..



"Eros, Eros!!" Agad na nilapitan ni Sienna ang asawa na nakahandusay sa sahig at animo'y wala ng buhay. Ang mga bodyguards naman nila at ilang pulis na naroon ay agad silang pinalibutan. 

Gano'n din si Nicollo na napatayo na mula sa wheelchair at nilapitan ang ama. Ang mga kasama naman nilang tauhan ay narinig niya ng nagpaputok na din ng baril. Ang Mommy niya lang naman at nobya na si Thalia ang nagpumilit na maupo siya sa wheelchair niya 'yon para hindi daw bumuka ang mga sugat niya. 



"He's alive Mom, nawalan lang ng malay si Daddy." Ani ni Nicollo matapos hawakan ang pulsuhan ng ama. They are all wearing bullet proof, at sa kuwarto pa lang niya kanina sa itaas ay sinuot na nila 'yon gaya ng gusto ng Tito Rios niya. Mabuti na daw ang nag-iingat dahil hindi nila alam ang mangyayari dahil nga hindi pa din nahuhuli ang nang-ambush sa kanya. At heto na nga ang nangyari, tinambangan na naman siya, at hindi lang pala siya kung hindi ang pamilya niya. 



Nakahinga naman ng maluwag si Sienna dahil maski siya ay hinawakan ang pulsuhan ng asawa, and her son was right her husband is still breathing and alive. Tinawag niya ang dalawang tauhan na nandoon para buhatin ang asawa niya pero lumabas naman ang mga kaibigan nila na sina Gerald, Oscar at balae nilang si June na mga naka bullet proof din at dali-daling binuhat si Eros. 

Sa isang kuwarto na nasa lobby din dinala nila June si Eros, he's still alive because of the bullet proof he's wearing. Pero nawalan pa din ito ng malay dahil sa lakas ng tama ng baril.



"Is he okay Doc? Kumusta na ho ang asawa ko?" Yon agad ang tanong ni Sienna sa doktor na lumapit kay Eros na wala pa ding malay. Mukhang tama nga talaga ang sinabi ng asawa niya na inaabangan ang paglabas nila sa ospital dahil nagkatotoo ang mga hinala nito. At heto nga at sinalo ni Eros ang bala na para sa anak sana nila. At sana naman matapos na ang lahat na ito at mahuli na ang nang-ambush sa anak nila dahil buhay nilang lahat ang nakasalalay kanina. 



Tinanggal naman ng doktor na lalake ang pagkaka-butones ng suot na polo ni Eros at ng mahubad ngayon ay nakita nila agad ang dalawang tama ng bala sa dibdib nito na kung hindi nakasuot ng bullet proof ang dating gobernador ay siguradong dead on the spots ito dahil sa may puso 'yon tumama. 



"He's safe Mrs. Jacinto, hintayin lang po natin magising ang asawa niyo." Sabi ng doktor. 



"Wag kang mag-alala Sienna masamang damo 'yang si Eros kaya matagal pa ang buhay niyan." Pagbibiro ni June kahit pa natakot din siya kanina ng makita kung paano barilin ang balae niya at bumagsak ito sa sahig. Alam niyang kahit pa naka bullet proof sila kanina ay masakit pa din sa katawan kapag sumalo ka ng bala.


"Siraulo ka talaga Hunyo, buti nga at naka bullet proof siya." Napapailing na sabi ni Gerald, hindi din siya sang-ayon sa plano ng kaibigan dahil baka may matamaan na ibang tao kung sakali pero ito lang kase ang nakikita na mabilis na paraan para mahuli ang Danilo Rodriguez na 'yon. Si Nicollo ang target ng suspect at para mahuli ito ay kailangang isakripisyo nila Eros ang sariling buhay para mas mapadali ang pag-huli. 



Nicollo hugged his mom while they are all looking on his Dad, siya dapat ang babarilin kanina dahil nakita niya na tinutok sa kanya ang baril pero mabilis kumilos ang Daddy niya at naitulak agad ang wheelchair na kinakaupuan niya. His Dad was shoot twice, at kung wala sigurong suot na bullet proof ang Daddy niya ay siguuradong malala ang tama nito dahil sa dibdib 'yon tumama. 

Hindi na sila lumabas pa ng kuwarto kung saan dinala si Eros dahil hindi din nila alam ang nangyayari sa labas, at halos bente minutos pa ang lumipas bago nagkamalay ang dating gobernador. 

"D-damn it!" Mura ni Eros matapos magkamalay, he saw it. He saw it how he died, na natamaan siya ng baril at sinubukan siyang iligtas ng mga doktor. Pero wala, he really died on his dream and it was really feel so real. Nakapa pa tuloy niya ang dibdib para siguraduhin kung buhay nga ba siya at buti na lang ay panaginip lang ang lahat na 'yon dahil nakita niya kung paano umiyak at malungkot ang pamilya niya ng mamatay siya. Ang anak niyang si Miracle na iyak ng iyak habang tinatawag siya at si Nicollo na sinisisi ang sarili dahil ito dapat ang mababaril at hindi siya. At lalong-lalo na ang asawa niyang si Sienna na iyak din ng iyak, and he can't bear it to see his family mourning for him lalo na ang pinakamamahal niyang asawa. 



"Eros!" Malakas na tawag ni Sienna sa pangalan ng asawa. 



"Dad!" Sabi din ni Nicollo. 



"Are you okay? may masakit ba sa 'yo? My god Eros buti na lang naka bullet proof ka!" Sienna hugged her husband so tight and he hugged her also. Isa na yata ito sa pinaka-nakakatakot na nangyari sa buhay niya sa pagsasama nilang mag-asawa at hindi na siya papayag na mangyari ito ulit dahil hindi niya makakayanan panigurado kung may mangyaring masama sa asawa niya.

"I'm fine, I'm fine. I thought namatay ako, I had a dream at namatay daw ako ng barilin ako." Ani ni Eros na nagpatulong na sa doktor na nandoon para hubarin ang suot-suot niyang bullet proof.



Inis na hinampas ni Sienna ang asawa, ito lang kase ang may gusto sa planong ito eh. "Hindi mo na uulitin ito ulit naiintindihan mo? H-hindi ko kaya kapag nawala ka." Naiiyak niyang sabi sa asawa, kahit naman may oras na naiinis na siya kay Eros ay alam niyang hindi ito papayag na may mangyaring masama sa pamilya nila. At gagawin talaga nito ang lahat para sa kanila kahit pa kapalit no'n ay ang sarili nitong buhay. 

Muling hinila ni Eros ang asawa at niyakap. "I love you Sienna, I love you baby. Hindi kita iiwan no, matagal pa mangyayari 'yon." Sabi niya dito tsaka tiningnan si Sienna ng maigi. "Are you okay? Ikaw Nicollo? Si Thalia?" Baling niya sa anak na nakatayo sa tabi niya. 





"I'm okay po Tito Eros." Sabi ko naman na kakapasok lang sa loob ng kuwarto kasama ang Daddy ko, nagkagulo sa labas matapos mabaril ni Tito Eros pero dahil inaasahan na naming mangyayari ito ay nakapag-plano na at nahuli na nga nila Tito Rios ang may gawa ng ambush kay Nicollo. At para akong nakahinga ng maluwag kaya naman nilapitan ko si Nicollo at niyakap siya ng mahigpit. 



"Rodriguez was already caught Jacinto, nahuli na ang nang-ambush sa anak mo at sa kulungan ang bagsak ng hayop na 'yon." Sabi ni Samuel, hindi siya payag na kasama ang anak niyang si Thalia sa plano ni Eros dahil maisip niya pa lang na baka may mangyaring masama sa anak niya ay hindi niya mapatawad ang sarili at siguradong lagot siya kay Brielle kapag nagkataon. Gaya kase ng sabi niya sa asawa ay sila lang talaga ng anak niya ang nagpunta dito sa San Juaquin ng malaman nga nila ang nangyari kay Nicollo. At  ngayon hawak na si Danilo Rodriguez ng kaibigan niyang si Rios Sadoval at ng mga pulis. 



"Salamat, salamat pare.." Eros felt happy hearing that, para silang ipinain sa isang leon kanina na alam naman nilang sasakmalin sila pero sumige pa din sila. This was their plan, sila nila Rios, at ng mga pulis para mahuli nila ang gumawa ng pang-aambush sa anak niya. Noong una pa nga ay ayaw niya dahil hindi lang siya nag-aalala para kay Nicollo kung hindi pati na din kila Thalia at asawa niyang si Sienna. Pero kase kung hindi ang mga ito sasama na kunwaring ilalabas na nila sa ospital ang anak niya ay baka hindi magpunta sa ospital ang suspect na si Danilo Rodriguez. But they did it, finally tapos na at nahuli na ang may sala sa pamamaril sa anak niya. Pero hindi pa pala siya tapos dahil gusto niyang siya mismo ang pumatay sa Rodriguez na 'yon. 



#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now