CHAPTER 10

11.6K 373 14
                                    




Sa mga pasmado po ang bibig dito na inis na inis kay Eros tapos ime-message ako at aawayin wag niyo na 'tong 2nd gen basahin, di mo 'to deserve. Anong warning pa ba dapat kong ilagay para maintindihan niyo na R-18  lahat ng sinusulat ko na may explicit scene talaga? Na block ko na yung iba pero alam kong mero'n pa. Nagpo-promote daw ako ng rape sa The governor, shunga talaga ang reader kapag ganyan🙄😑

  




Inaayos ni Nicollo ang kuwelyo ng kanyang polo ng dumaan ang ama niyang si Eros. He's about to leave, may date kase sila ni Thalia ngayon at inaya niya itong pumunta sa restaurant ng Ninong Oscar niya. And he was so excited to see her, kapag nagiging busy siya kase sa munisipyo ay hindi niya ito napupuntahan. 


"Sabadong-sabado saan ka na naman pupunta ha?" Napahinto si Eros ng makitang bihis na bihis ang anak. Ito talaga 'yong hindi napipirmi sa bahay kahit pa noong nandito si Miracle sa kanila mas laboy talaga ang batang ito.


"May itatanong pala ako Dad." Ani ni Nicollo na nakaharap pa din sa salamin pero nakikita naman niya ang ama na si Eros na nakatayo sa likod niya. "Na-experience niyo na bang makipag-sex sa office?"


Bigla naman nawala ang pagkunot noo ni Eros sa tanong ni Nicollo at napangiti pa ito ng todo. "Aba oo naman, alam mo kase kami ng Mom---" Pero hindi na niya natuloy ang sasabihin ng biglang tamaan siya ng isang kulay puting tsinelas na lumipad sa kanyang braso. 


"Eros!!" Malakas na tawag ni Sienna sa asawa at mabilis nilapitan ang asawa. Rinig na rinig niya ang tanong ng anak nila pero kitang-kita naman niya ang abot tengang ngiti ni Eros. At talagang balak pang magkuwento ng loko. 


"Aray ko naman baby, masakit 'yon ha." Reklamo ni Eros sa asawa na hinimas ang braso na natamaan nito, nagiging battered husband na talaga siya dahil parang mas matapang na sa kanya ngayon ang asawa. 


"Narinig ko 'yon ha, isa ka pa Nicollo kung anu-anong tinatanong mo dito sa Daddy mo na walang katuturan."


"Mommy naman boys talk 'yon tsaka wala naman masama sa tanong ko ah."


"Aba't nangangatwiran ka pa talaga!" Dinampot ni Sienna ang tsinelas na binato niya sa asawa at hinampas si Nicollo pero dahil maliksi ang anak ay agad naman itong nakaiwas. Kaya wala siyang nagawa sa huli kung hindi tingnan ang mag-ama niya. 


"Oo nga babay boys talk nga kase 'yon tsaka anong masama kung sasagutin ko ang tanong ng anak natin tsaka totoo naman 'yon diba? We did it a lot of times in--" Eros didn't continue whatever he's about to say because of the sharp look of his wife towards him na para bang sinasabi nito na makuha ka sa tingin at subukan mo pang magsalita. 


"Saan ka na naman ba pupunta Nicollo? Sabado ngayon at wala kang pasok diba?" Tanong ni Sienna sa anak, katatapos niya lang magluto ng hapunan nila pero mukhang may lakad ang bunso nila. 


"Kakaen kami ni Thalia Mommy, pupunta kami sa Mid east." Sagot naman ni Nicollo. Alas sais ng gabi niya ito sinabihan na susunduin at magfa-five thirty naman na.


"Gano'n ba? Akala ko pa naman wala kang lakad dahil nakapagluto na ako ng dinner natin." Parang may himig ng pagtatampo ang boses ni Sienna lalo pa at nilutuan niya talaga ang anak dahil nga wala itong pasok ngayon. 


"Puwede niyo naman ako Mommy tirhan tapos bukas ng umaga ko kakainin." Nakangiting sagot ng binata, his mom really cook very well. Masarap ito magluto lalo na ng favorite niyang kalderetang baka nito at kapag ganitong hinandaan siya ng Mommy niya at may lakad siya ay lagi niyang sinasabi sa ina na tirhan siya nito. He don't want to make his mom feel upset lalo pa at narinig niya ito dati na nagsumbong sa Daddy niya na hindi na nga daw siya kumakain sa bahay nila pag-uwi galing munisipyo kaya simula no'n he always make sure to eat whatever food she prepare for him.


The governor's sonWhere stories live. Discover now